Mga inmates sa Ilocos Norte, nagsanay ng electronics

LUNGSOD NG LAOAG – Sumailalim sa pagsasanay ng electronics ang halos 30 inmates ng Ilocos Norte Provincial Jail (INPJ) noong Oktubre 15, 2018.
Ang pagsasanay ay sponsor ng Pinili Polytechnic College sa pakikipagtulungan ng Technical Education Skills and
Development Authority (TESDA), kabilang sa iniaalok sa mga inmates ay ang ilang practical skills training kung nais
nilang mas maging productive habang nasa loob ng kulungan o kung sila’y makahanap ng trabaho paglabas ng kulungan.
Sinabi ni Benilda Sadian, provincial jail warden at officerin- charge, na ang training course ng mga inmates ay baking and pastry, manufacturing, mechanics, carpentry, at electronics, at iba pa.
“Some of their products are then sold to government initiated trade fairs, so they can also earn for a living,” aniya. Sa kasalukuyan, mayroong 431 inmates ang INPJ, 30 sa mga ito ay babae.
Isa sa mga pangunahing programa ng gobyerno ay makapagbigay ng employment opportunities sa lahat, ani
TESDA Provincial Director Charito Santos. Dagdag niya na ang nagaalok din ang TESDA ng libreng skills training lalo na sa mga walang trabaho at marginalized sectors.
Ang kadalasang in-demand na kurso sa ngayon ay kabilang ang construction works, motorcycle at small engine servicing para sa mga kalalakihan, cookery, at bread and pastry production para naman sa mga kababaihan. ABN

Amianan Balita Ngayon