Mga lugar sa rehabilitasyon tinukoy ng lungsod sa 3 line agencies

LUNGSOD NG BAGUIO – Iprinisinta ng mga opisyal ng lungsod noong Enero 10 ang mga pangunahing isyu at lugar sa lungsod na kinakailangan ng rehabilitasyon sa mga matataas na opisyal ng mga Departamento ng Tourism, Environment and Natural Resources at ng Interior and Local Government.

Tinukoy ni Mayor Benjamin Magalong ang environment, traffic at transport, water supply, tourist destinations at Geo-hazar areas na inookupahan ng mga informal settlers bilang pangunahing aspeto na kailangan ang agaran at strategic action para mapabuti ang lungsod.

Sa briefing ay naghayag ng suporta sina DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat, DILG Secretary Eduardo Año at Assistant Secretary Jesus Enrico Moises Salazar na ikinatawan si DENR Secretary Roy Cimatu sa hakbang ng pamahalaang lungsod sa rehabilitasyon tungo sa napapanatiling pag-unlad.

Nangako si Puyat na idownload sa pamahalaang lungsod ang PhP480 milyon na pondo mula sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) para sa rehabilitasyon ng Burnham Park complex.

Isang memorandum of agreement para sa nasabing proyekto ay nilagdaan nina Mayor Magalong at TIEZA chief operating officer Pocholo Paragas na sinksihan nina Secretary Puyat at Año.

Sa kaniyang ulat sa Baguio City development prospects ay inilahad din ni Mayor Magalong ng mga programa ng lungsod, mga proyekto at aktibidad sa pipeline upang tuunan ang mga isyu sa rehabilitasyon.

Sa ilalim ng environment ay tinukoy ng mayor ang sewerage system ng lungsod, solid waste management, green cover, air quality at sementeryo ng lungsod bilang pangunahing problema.

Ang mga proyektong nakalinya ay ang rehabilitasyon ng kasalukuyang sewerage treatment plant at konstruksiyon ng karagdagang planta at upgrading ng sewerline system, conversion ng Irisan dumpsite sa isang eco-park, paglalagay ng mas maraming materials recovery facilities sa mga barangay, waste-to-energy technology; drafting ng regreening master plan para sa 2020-2030, pagtatatag ng tree farms at nurseries, improvement at expansion city cemetery.

Sa traffic at transport, ang mga problema ay congestion, carbon emission at road obstructions kung saan ang nakikitang solusyon ay ang paglalagay ng integrated transport terminals, konstruksiyon ng parking buildings, pagpapahusay at konstruksiyon ng sidewalks, katuparan public utility vehicle modernization program, katuparan ng alternative transport system gaya ng cable car at monorail systems, automated guideway transit andt rehabilitasyon ng Loakan Airport at katuparan ng smart city system na tutugon sa seguridad at kaligtasan, traffic management, no-contact apprehensions, smart lighting, environment monitoring at calamity and disaster monitoring and response.

Sa water supply at target ng lungsod ang bulk water project, water retention at water clarification facilities. Ang pagpapahusay sa tourist destinations ay ang development ng Burnham Park, Mines View Park, Arboretum, Bayan Park, Botanical Garden, Government Service Insurance System Tree Park, Eco-Park at Wright Park, ang market development at ang pagpapahusay sa heritage sites.

Ang iba pang aktibidad sa pipeline ay ang pagpasa ng legislative measures na magpapatupad ng environmental, congestion, traffic impact at iba pang fees, istriktongnpagpapatupad environmental laws, pagtaas ng multa sa mga traffic violators, rebisyon ng mag disenyo ng road islands, pagtanggal sa mga waiting sheds sa intersections, pagtatakda sa mga commercial buildings na magtayo ng rain harvesting facilities at sariling sewerage treatment plants para sa mga may discharge na 12 cubic meters o higit araw-araw.

Tinukoy din ni assistant city planning and development coordinator Antonette Anaban na iprinisinta ang land use situation ng lungsod at updates ang poor air quality, polusyon ng mga ilog, pagsikip ng trapiko, lumiliit na forest cover at informal settlers at illegal structures saloob ng hazard and protected areas bilang pangunahing problemang kinakaharap ng lungsod.

Iprinisinta ni National Economic Development Authority Cordillera Regional Director Milagros Rimando ang mga resulta ng pag-aaral sa urban carrying capacity ng lungsod na nakumpleto noong Nobyembre.

Ipinakita sa resulta na lumagpas na ang lungsod sa carrying capacity sa pitong critical indicators kabilang ang land for construction and development, urban road length and area, solid waste collection, water supply and liquid waste treatment capacity and forest cover.

APR-PIO/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon