Natukoy na kaso ng omicron sa Baguio nasa 45 na

LUNGSOD NG BAGUIO – Ang natuklasang mga kaso ng omicron variant sa lungsod ng Baguio ay pumelo sa 45 matapos iulat ng Philippine Genome Center ang 36 karagdagang mga kaso na natunton sa lungsod noong Pebrero 2.
Sa pinakahuling bio surveillance report, ang kabuuang variants of concern (VOC) identified afflictions sa lungsod na 436 ay nahati-hati sa: 117 alpha; 52 beta; 222 delta at 45 omicron.
Lahat ng mga pasyente ay gumaling na. Karamihan ay bahagi ng sambahayan, medical at business process outsourcing (BPO) clusters.
Ang kanilang specimen samples ay kinuha sa pagitan ng Enero 5-15.
Sinabi ng Department of Health na ang omicron ay dominant variant na ngayon sa bansa na pinagtitibay ang naunang pahayag ng mga lokal na awtoridad sa variant na nagdudulot ng mabilis na community transmission na nagtulak sa pinakahuling daluyong sa lungsod.
Sinabi ni Mayor Benjamin Magalong na ang daluyong ay humupa matapos tumaas ito noong Enero 3.
“Omicron is undoubtedly the dominant variant but we still have Delta based on the PGC data releases in December. This probably accounts for some of the fatalities this month,” aniya.
(APR-PIO/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon