‘Oplan Harabas’ isinagawa sa mga tsuper ng Baguio at LT

LUNGSOD NG BAGUIO – Sumailalim sa isang sorpresang drug test o “Oplan Harabas” ang mga tsuper ng Public Utility Vehicle (PUV) ng Baguio at ng La Trinidad noong Biyernes, Marso 29 sa Baguio Athletic Bowl.A ng una at sabay-sabay na “Oplan Harabas” ay isinagawa ng pinagsamang pwersa ng tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Cordillera, Land Transportation Office- Law Enforcement Unit (LTOLEO) at ng Philippine National
Police (PNP) para tiyakin ang kaligtasan ng riding public at bilang paghanda na rin sa nalalapit na Holy Week at summer season.
Ang mga tsuper na positibo sa paggamit ng droga ay sasailalim sa confirmatory test na isasagawa sa loob ng 15 araw simula sa Marso 29.
 
Kim Nicole S. Gan, UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon