P3.7-M gamit ng mga mangingisda ipinamahagi sa Ilocos Norte

LUNGSOD NG LAOAG – Ipinamahagi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region I ang iba’t ibang gamit pangisda at motorized bancas sa 197 rehistradong mangingisda at 20 asosasyon sa baybaying lungsod at bayan ng Ilocos Norte noong Agosto 29, 2018.
Sa unang pagkakataon, ang 63 miyembro ng Farmers and Fishermen Association ng Puyupuyan sa bayan ng Pasuquin ay nakatanggap ng fiber glass “payao”, fish aggregating device upang makaakit ng mga isda tulad ng tuna at tuna-like species na nagkakahalaga ng P143,000.
Ayon kay Ronald Peralta, barangay chairman ng Puyupuyan at incumbent vice president ng nasabing asosasyon, ang pamamahagi ng gobyerno ng iba’t ibang gamit pangisda at motorized banca ay napapanahon matapos ang malakas na ‘habagat’ na nakaapekto karamihan sa mga magsasaka at magsasaka ng probinsiya.
“We are thankful for the government support. This is a big help for us to boost our livelihood,” ani Peralta.
Sa ilalim ng Duterte administration, sinabi ni Provincial Board Member Domingo Ambrocio, chair ng committee on agriculture, na ito ang ikatlong pagkakataon na ang national government, sa pamamagitan ng BFAR Regional Office I, ay nakapamahagi ng multi-million na tulong sa mga mangingisda ng Ilocos Norte.
“It is only now that we can feel government presence in the province. Let us continue to support each other for a better and progressive province,” ani Ambrocio.
Habang ang habagat ay nagdulot ng matinding pinsala sa probinsiya, hinikayat ni Vice Governor Eugenio Angelo Marcos Barba, ang mga recipients na ingatan ang kanilang mga gamit upang maipagpatuloy ang kanilang kabuhayan.
“We are here to serve you and we hope you will continue to inspire more fishers to improve and sustain their livelihood,” ani Barba sa mga mangingisda sa ginanap na pamamahagi ng 20 units payao, 75 units ng tuna handlines, 50 units ng multiple handlines, 37 units ng bottom set longline, 10 units life vest at six units ng motorized banca.
Ang mga ito ay ipinamahagi sa mga miyembro ng asosasyon ng Pagudpud, Bacarra, Pasuquin, Burgos, Bangui, Paoay, Currimao, Badoc, at Laoag.
Hinimok ni Regional Director Lilibeth Signey ng BFAR Region I ang mga mangingisda na gamitin ang mas matibay na fiber glass boat imbes na iyong mga gawa sa kahoy. Pinaalalahanan din niya ang mga mangingisda na palaging gamitin ang life vest kapag sila’y nasa laot para sa kanilang kaligtasan. L. ADRIANO, PNA / ABN

Amianan Balita Ngayon