Pagkilala sa high risk areas sa mga barangay, hangad

Hinihiling ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) ang lubos na suporta at kooperasyon ng mga opisyal ng barangay sa pagkilala ng mga high risk areas sa 128 barangays ng lungsod upang maging gabay ng mga concerned government agencies at ng lokal na pamahalaan sa angkop na mga hakbang na maaaring ipatupad upang malayo sa kapahamakan ang buhay at ari-arian.
Inihayag ng mga opisyal ng CDRRMC na matapos ang bagyong Ompong, lumantad ang mga
posibleng mapanganib na lugar sa iba’t ibang barangays, kaya naman, agaran ang pangangailangan ng implementasyon ng mga interbensyon upang maiwasan na mangyari ang hindi inaasahang mga insidente na magdudulot ng seryosong banta sa buhay at pag-aari.
Nais ng CDRRMC sa mga barangay officials na agad magsumite ng listahan ng posibleng high risk areas sa kanilang nasasakupan upang ang hiling na makapagsagawa ng ocular inspection ng mga eksperto mula sa Cordillera office ng Mines and Geosciences Bureau (MGB-CAR) ay maaaring gawin para ma-assess at ma-evaluate ang katayuan ng mga nasabing mapanganib na lugar.
Habang totoo na ang mga kopya ng geohazard map ng lungsod na inihanda ng MGB-CAR ay ipinamamahagi sa mga barangay ng lungsod para sa impormasyon ng mga opisyal at residente ng mga barangay, ipinakita ng CDRRMC ang pangangailangan ng mga opisyal ng barangay na ma-update sa kasalukuyang sitwasyon sa kanilang mga lugar para patnubayan sila sa mga aksyon sa hinaharap upang maiwasan ang mga negatibong epekto ng hinaharap ng likas at man-made na mga kalamidad sa mga mamamayan at pribado pati na rin ang mga pampublikong ari-arian na nakatayo sa kanilang mga barangay.
Pakiusap din ng CDRRMC sa iba’t ibang Barangay Disaster Risk Reduction and Management Councils (BDRRMCs) na maging proactive sa implementasyon ng pre-emptive evacuation sa mga residenteng nakatira sa mga kinilalang mapanganib na lugar bago pa manalasa ang darating na natural calamities upang masiguro na ligtas ang mga tao bago pa mangyari ang kalamidad at upang maiwasan ang casualty.
Patuloy pa rin ang CDRRMC na isama ang mga opisyal ng barangay sa post-disaster efforts ng lokal na pamahalaan upang masiguro na ang totoong cost of damages sa pribado at pampublikong pag-aari ay ipapakita sa ulat sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) upang mapakinabangan ang tulong na maaaring ibigay sa lungsod ng concerned government agencies upang ma-rehabilitate ang mga nasirang pag-aari.
Ayon sa mga opisyal ng CDRRMC, ang mga residente ay dapat mahigpit na sumunod sa mga ipinanukalang mga hakbang na batas sa kanilang mga ari-arian upang lubos na mabawasan ang kanilang paglapit sa panganib sa panahon ng natural at man-made ng mga kalamidad na maaaring tumama anumang oras, sa gayon, ang tiyak na lunas sa anumang mahirap na sitwasyon ay paghahanda.
Pinangangasiwaan ng CDRRMC ang implementasyon ng local disaster risk reduction and management plan ng lungsod upang masiguro na ang mga residente sa lungsod ay resilient bago maganap, habang nagaganap at matapos manalasa ang natural at man-made calamities lalo na at ang Cordillera, kabilang ang Baguio City, ay isa sa calamity-stricken areas sa bansa. Sa pamamagitan nito ay palaging nakahanda ang mga tao sa anumang kalamidad at mababawasan ang banta sa buhay at ari-arian. BAGUIO PIO / ABN

Amianan Balita Ngayon