Pagpatay sa pulis,kinondena sa Abra

BANGUED, Abra – Labis na kinondena ng Abra Provincial Police Office ang brutal na pagpatay kay Police Master Sergeant Frederick Fernandez Ybañez, ng mga di-pa nakikilalang suspek noong umaga ng Enero 28 sa bayan ng Villaviciosa, Abra.
Iniutos ni Police Colonel Alfredo Dangani, provincial director, sa tauhan ng Provincial Investigation Detection Management Branch na bigyan prioridad at tutukan ang pagiimbestiga para agarang matukoy ang salarin at malaman ang motibo sa pagpaslang.
Si Ybañez ay lumabas ng police station patungo sa sa kanyang inuupahang kuwarto sa Mommy Chows Food House, Poblacion Villaviciosa Abra, nang sundan at patalikod na pagbabarilin ito ulo at katawan ng isa sa dalawang suspek .
Napag-alaman na si Ybañez ay dating nakatalaga sa Cebu PPO at na-reassigned sa Abra PPO noong Oktubre 11, 2017. Sa kanyang dalawang taong paninilbihan sa Abra ay pinatunayan ng mga residente ng Villaviciosa ay mahusay na relasyon nito sa komunidad at walang bad record na nagawa sa nasabing bayan.
 
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon