Pamamaraan sa isolation ipinaliwanag ng mga MD

LUNGSOD NG BAGUIO – Ipinaliwanag ng mga medical practitioner sa isang media forum noong nakaraang linggo ang mga pamamaraan para sa isolation, quarantine, contact tracing, vaccination ar iba pang detalye ukol sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Ipinaliwanag nina Dr. Nelson Hora at City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) head Donna Tubera-Panes na ang mga proseso upang makontrol ang pagtaas ng COVID-19 ay isang sama-samang pagpupursige mula sa lahat ng medical personnel kasama ang contact tracers, barangay health emergency response teams (BHERTs), emergency medical services (EMS) at iba pa.
Ayon kay Dr. Hora, sa oras na malaman at ma-validate ang mga resulta na positibo sa COVID-19 ang mga pasyente ang mga medical personnel sa pamamagitan ng triage system ay dedeterminahin kung alin sa mga kaso ang kritikal at kinakailangan ng agarang atensiyon.
Ang mga pasyente ay kailangang maibukod (isolate) sa loob ng tatlong oras habang ang mga contact tracers mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) ar iba pang opisina, at tulong mula sa Philippine National Police (PNP) ay kailangang masabihan ang mga nakahalubilo ng pasyente sa loob ng 24 oras. Ang mga asymptomatic at pasyenteng may mild symptoms ay dadalhin sa isolation facilities ng lungsod matapos ang maibigay ang mga personal na gamit mula sa kanilag bahay, ang higaan at pang arawaraw na pagkain at tubig ay ibibigay ng libre.
Regular na imomonitor ang mga pasyente ng mga medical personnel, o kung kinakailangan para sa anumang sintomas na maaaring madebelop gaya ng lagnat, pag-ubo, hirap sa paghinga, pananakit ng ulo, pamamaga ng lalamunan, pagtatae, pananakit ng katawan, o anumang ibang masamang nararamadaman. Ang mga komunikasyon sa mga medical personnel sa labas ng silid ay ginagawa sa pamamagitan ng text messages, ang mga pasyente ay naabisuhan ng maaga.
Nalaman na ang isolation room ay dapat may hiwalay na paliguan/palikuran. Karagdagang pagkain o damit ay maaaring dalhin sa pasilidad ng mga miyembro ng pamilya sa itinakdang iskedyul, na sisisiyatin at ibibigay ng guwarsiya na naka-duty. Kailangang kumpletuhin ng mga pasyente ang 14 araw na quarantine na may extension kung irerekomenda ng medical personnel na in charge, hindi dapat umalis sa lugar sa anumang oras; at hindi pinapayagan ang mga bisita at alaga para sa buong panahon ng kanilang pagtigil sa pasilidad.
Subalit kailangang panatilihin ng mga pasyente ang kalinisan sa kani-kanilang mga silid, at kailangang hindi nila dapat isara ang kanilag mga pinto para sa anumang emergency na sitwasyon. Ang mga isolation facilities na minimintina ng lungsod ay no-vaping, no-smoking, no alcoholimbibing areas.
Lahat ng proseso ay mahigpit na ipinapatupad upang masiguro na walang kontaminasyon ang mangyayari sa loob ng pasilidad.
Ang pagbubukod sa mga pasyente, sa paliwanag ni Dr. Tubera-Panes ay ginagawa sa loob ng posibleng panahong ng transmisyon. Ito ay upang hindi maitulad sa quarantine, na ginagawa sa mga malulusog na tao ngunit may exposure sa mga maysakit na tao, sa kasong ito ay COVID-19.
Ang home isolation ay maaaring gawin sa mga asymptomatic na kaso kung saan walang madaling mahawaan na mga tao, at ang pasyente ay palagiang namomonitor ng health/medical authorities.
Ang minimum health standards ay dapat laging ginagawa, at ang mga medical authorities ay dapat laging naabisuhan ng anumang pagbabago sa kondisyon ng pasyente.
(JGF-PIO/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon