Panukalang anti-tsismis ng isang barangay, usap-usapan sa Baguio

Feb 9, 2019

Naging maugong at usap-usapan sa lungsod ang panukala ng Barangay Upper Rock Quar ry na Anti-Tsismis Ordinance noong ika-4 ng Pebrero 2019. Layunin ng naturang panukala na pigilan ang mga residente na magkalat ng maling impormasyon at ituon na
lamang ang atensyon sa mas mahahalagang bagay kaysa magtsismisan.

Napagdesisyunan ng mga opisyal ng baragay na magmungkahi ng ganitong ordinansa dahil sa madalas na reklamo sa kanilang barangay tungkol sa tsismis na nagiging sanhi ng away. Nais din ng mga opisyal na makilala sila dahil sila ang nakaisip sa ordinansang ito na dapat gayahin din ng iba pang barangay sa Baguio City sapagkat naniniwala silang makakatulong ito sa mga residente ng lungsod.
Nagkaroon ng pangkalahatang pagtitipon sa naturang barangay at
ipinaliwanag ng mga opisyal ang ilan sa nilalaman ng naturang ordinansa at maging ang parusa kapag lumabag ang mga residente.
Ayon sa ilang residente ng barangay, pabor sila sa nasabing ordinansa dahil makakatulong ito sa ikakatahimik ng kanilang
barangay laban sa mga taong “mimi” o “mimosa” na ang ibig
sabihin ay tsismosa. Nagpahayag naman ng pangamba ang ilan dahil maaring maapektuhan ang kanilang negosyo tulad ng
transients at apartments sapagkat ang ordinansa ay maaaring maging dahilan upang ang mga naghahanap ng mauupahan ay hindi maghanap ng tutuluyan sa kanilang barangay. Nais din nilang malaman ang kabuuang nilalaman ng ordinansa dahil hindi pa malinaw sa kanila ang implementasyon nito.
Ayon kina Kagawad Joel Kidpan, Arci Tudlong, Dennis Pacalso at Loida Dumagas, ang ordinansa ay makakatulong sa kanilang barangay para maiwasan ang mga nagrereklamo tungkol sa mga tsismis na dahilan ng hindi pagkakaunawaan ng ilan sa mga residente. Umaasa silang maaprubahan ang kanilang iminungkahing ordinansa sa susunod na pagpupulong nila sa ika-15 ng Pebrero.
Nilinaw din ni Kidpan na ang implementasyon ng ordinansa ay hindi agresibo, hindi sila maguutos ng tao upang magmasid sa paligid para magmanman ng mga tsismosa at tsismoso. Bagkus,
aniya, sila ay maghihintay lamang ng reklamo sa kanilang tanggapan bago sila umaksyon at magpataw ng karampatang parusa sa sinumang mapapatunayang nagkasala.
Ang parusa sa unang pagkakasala ay multang P300 at isang araw na serbisyo sa komunidad; sa ikalawa ay P500 at isang araw na serbisyo sa komunidad; at sa ikatlong pagkakasala naman ay P1,000
at isang araw na serbisyo sa komunidad.

RELATED POSTS

TECHIE TAHO VENDOR

TECHIE TAHO VENDOR

"QR Lang po sa umaga”-Baguio City is the first local government unit to adoptthe program co-developed by the Bangko Sentral ng Pilipinas...

FREE DEWORMING AND VITAMINS

FREE DEWORMING AND VITAMINS

was given to horses at Wright Park and Camp John Hay last September 27 and 29, 2022 as part of our Animal Diseases Prevention and Control...

INSPECTION AND MONITORING

INSPECTION AND MONITORING

Acting City Mayor- Faustino A. Olowan inspects recently City Camp Lagoon ,Lower Rock Quarry September 26,2022 caused by Typhoon Karding...

LATEST NEWS

BAGUIO MARKET EMPLOYEES SUED IN “KWARTAIS” SCANDAL HIKES TO 14

BAGUIO CITY - Three more employees of the Baguio City government assigned at the public market as collectors of arrival fees or ‘kwartais’ were charged with malversation with falsification of public documents and falsification by public officers, jumping to 14 sued in...

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

Adding-attractions to One Town, One Product (OTOP), Mayor Clarita Sal-ongan and indigenous farmers proudly show locally grown ava (taro) product during the opening of the festival held on Sept 26 at the municipal grounds. Tuba officials show unity promoting the...

ZERO BACKLOG ITI KASKASO TI AGRARIO MATAGINAYON ITI DAR ILOCOS

SIUDAD ITI LAOAG – Matagtaginayon iti Department of Agrarian Reform (DAR) iti zero backlog nga estado iti panangipatungpal ti linteg kadagiti kaskaso iti agrario agingga iti maikatlo a kakapat iti daytoy a tawen. Ipatpatungpal ti ahensia iti zero backlog kadagiti...

GREYHOUND OPERATION

GREYHOUND OPERATION

Nagsagawa ng greyhound operation ang iba’t ibang ahensya at gamit ang sniffing dog para alamin kung itinatagong illegal na droga ang mga Persons Deprive of Liberty (PDL) sa loob ng Baguio City Jail Male Dorm. Walang nakitang droga o pharaphernalia at negatibo din sa...

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

Motibo: Land dispute BANGUED, Abra – Natukoy at nadakip na ng pulisya ang apat na suspek na pumatay sa isang guro sa high school na miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, and Queer (LGBTQ) community,sa isinagawang hot pursuit operation,matapos ang krimen...

LOCAL FARMERS CHALLENGED TO PRODUCE ORGANIC PRODUCTS

Tuba’s 7th Ava Festival TUBA, Benguet –Farmers in this town were encouraged to practice organic farming in order to boost and strengthened soil fertility and health benefits of agricultural products. Mayor Clarita Sal-ongan made the call during the Sept. 26 “Kapihan”...

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest