Philpost Dagupan kumita ng P21M sa 2018

LUNGSOD NG DAGUPAN, PANGASINAN – Kumita ang Philippine Postal Corporation (Philpost) office sa lungsod na ito ng nasa P21 milyon noong 2018 mula sa mga padala (shipments) karamihan ay medisina, produktong pampaganda at mga dokumento.
Sinabi ni Lorenzo Dacasin Jr., acting postmaster ng Philpost Dagupan at chief ng sub-distribution center na nakapagtala ang opisina ng 38.507 outbound at 50.299 inbound domestic transactions noong nakaraang taon.
Ayon pa kay Dacasin ang mas mataas na padala (shipments) ay nagpapakita na ang Philpost ay nakakaungos sa mga pribadong kompanya dahil sa misyon nitong ihatid ang mga padala kahit pa sa pinaka-malalayong lugar sa bansa.
“For instance, we deliver medical supplies to centers or school supplies in schools in far-flung areas. It is our mission to deliver even if it meant having to cross rivers or walk in mountainous areas,” aniya sa isang panayam.
Sinabi ni Dacasin na nagpapadala rin sila ng mga dokumento at pakete sa ibang bansa kahit pa walang contact number ng tao o opisina na padadalhan.
Binigyan-pansin na ang online marketing ay nagpasigla sa pagtangkilik ng Philpost courier service dahil ang mga produkto mula sa ibang bansa na binibili online ay pinapadala na dumadaan sa kanilang opisina.
“Most of our inbounds are from the online store Alibaba. And of course, our overseas Filipino workers from Singapore, Hong Kong and Japan are also our customers in inbound,” ani Dacasin.
Sinabi pa ni Dacasin na ang mga tao sa Estados Unidos, Canada at Europa ay nagpapadala pa rin ng mga holiday greeting cards sa pamamagitan ng Philpost.
“They are more sentimental and they prefer to send greeting cards instead of online greeting cards. Also, those who are eyeing for immigration in other countries through fiancé petition, they need letters sent as proof of their long-distance relationship,”dagdag niya.
Ang rate ng Philpost ay naglalaro mula P41 para sa ordinary mail (hindi hihigit sa 20 gramo) hanggang P1,000 para sa express mail.
Sinabi ni Dacasin na ang buwan ng Disyembre hanggang Pebrero ay ang delivery peak season.
HAustria,PNA/PMCJ/ABN

Amianan Balita Ngayon