Solar farm itatayo kapalit ng 2,984 puno sa Ilocos Norte

LUNGSOD NG LAOAG – Isa pang solar farm ang itatayo ng Energy Logics Philippines sa may hangganan ng mga bayan ng Burgos at Bangui, Ilocos Norte na sakop ang mahigit isang libong ektarya na forest land.
Sinabi ni Victor Dabalos, officer-in-charge ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Ilocos Norte na ang renewable energy company ay ilang taon na nilang tinitingnang palakasin ang suplay sa Luzon grid subalit natagalan silang umpisahan ang konstruksiyon.
Kinumpirma ni Dabalos na nag-isyu na ang DENR central office sa kompanya ng isang special tree cutting permit noong Disyembre 12,2018 na nagpapahintulot sa kanila na putulin ang nasa 2,984 punongkahoy at 5,145 pa na sasailalim sa earth-balling. Karamihan sa punongkahoy ay itinanim noong ng people’s organization sa ilalim ng Philippine Forest Development Project sa Ilocos Norte.
Sa ilalim ng kasunduan, sinabi niya na papalitan ng Energy Logics ang bawat punongkahoy na mapuutol ng 100 seedlings.
“The DENR has issued them a special tree cutting permit but they have to establish a new tree plantation with more than 300,000 seedlings. They are also mandated to take care of the seedlings planted for a period of three years,” ani Dabalos.
Dahil sa malaking bilang na ng punongkahoy ang naputol ay nakatakdang bumisita ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa solar project area sa Pebrero 4.
Una rito ay plano ng Energy Logics na magtayo na isang 132-megawatt (MW) wind farm sa Burgos, Ilocos Norte at isang 100-megawatt solar power sa Pasuquin, Ilocos Norte.
Ang solar project ay inilipat sa Tanap village, Burgos at palalawigin sa karatig bayan ng Bangui.
Sa ngayon ay isang 150-megawatt wind farm ang nasa Burgos at sinasabing pinakamalaki sa SoutheastAsia na may 4-megawatt solar farm na dulot ng Energy Development Corporation.
Plano rin ng kompanya na palawigin ang solar farm nito sa 100MW hanggang 150 MW sa susunod na limang taon.
LAdriano,PNA/PMCJ/ABN

Amianan Balita Ngayon