Plastic ban, mahigpit na ipatutupad ng LT

Mar 10, 2018

LA TRINIDAD, BENGUET – Simula Mayo 1 ay mahigpit nang ipatutupad ang plastic ban sa bayang ito.
Sa ilalim ng Municipal Ordinance 11-2015 ay ipinagbabawal ang paggamit ng “plastic, styrofoam, and other synthetic materials” na nakakasama sa kalikasan at itinuturing na pangunahing sanhi ng lumalalang problema sa basura ng munisipalidad.
Sa isang abiso na pinirmahan ni Mayor Romeo Salda at ipinakalat sa iba’t ibang establisimyento, “You are enjoined to properly dispose of these materials before May 1, We further require all business establishment to use eco bags and other reusable bags as carry out bags.”
Ang pagpapatupad ng nasabing ban ay makakatutulong upang maiwasan ang paggamit ng mga plastic at maisulong ang paggamit ng mga reusable bags tulad ng mga cloth bags at bayong.
Ipinagbabawal din sa mga business establishments ang pag-pack gamit ang plastic bag lalo na sa mga dry goods ngunit pinahintulutan ang paggamit ng plastic na walang hawakan o cellophane sa mga nagbebenta ng wet goods bilang secondary packaging material para mapanatiling malinis ang mga ito.
Ayon kay Municipal Environment and Natural Resources Officer Arthur Pedro, naipakalat na ang mga notice sa munisipalidad para maipaalam sa mga residente ang nasabing plastic ban.
“Naglagay na kami ng mga notices around para ma-inform na natin yung public para nga dito sa full implementation ng plastic ban dito sa La Trinidad and these succeeding months before nung plastic ban natin eh mag-disseminate pa kami ng notice para mapaghandaan talaga yung ating plastic ban.” Dagdag pa niya na suportado ng mga malalaking establisimyento sa La Trinidad ang plastic ban, kasama na dito ang SM Supermarket, Puregold at Tiong San.
Ang mga lalabag sa nasabing ban ay magmumulta ng P1,000 sa first offense; P2,000 sa second offense; at P2,500 sa third offense at maaring makansela ang permit.
Hinihikayat naman ng pamahalaang lokal ang mga residente na makiisa at tangkilin ang paggamit ng mga eco bag, bayong at mga katulad na lalagyan upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa buong munisipalidad. ALLAN LEMUEL C. SUNGA, UB Intern / ABN

RELATED POSTS

ADIVAY GRAND CANAO

ADIVAY GRAND CANAO

Benguet Rep. Eric Go Yap encourages the people of Benguet to support and be one in celebrating the 122nd Benguet Foundation Day as its...

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest