Tourism partnership, potensiyal para sa Ilocos Norte at La Union

Mar 10, 2018

SAN FERNANDO CITY, LA UNION – Hindi magtatagal ay maaaring buksan ang potensiyal ng tourism partnership sa pagitan ng Ilocos Norte at La Union.
Sa pagdalo ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa 168th Foundation Anniversary Celebration ng La Union noong nakaraang linggo ay sinelyuhan niya ang kooperasyon sa pagitan ng dalawang probinsiya bilang ‘the perfect partnership’, na itinampok ang surfing areas sa mga bayan ng San Juan, La Union; Pagudpud at Badoc na kapuwa nasa Ilocos Norte bilang perpektong ‘back to back’ na lugar.
“Ngayon kasi, mayroon na kaming 1.8 million na turistang dumadaong, tapos dumadating din yung Star Cruises from December to May, so there are about 2,600 coming off the boat [every week], and honestly we don’t have the hotels nor restaurants to accommodate all of these people,” pahayag ni Governor Marcos.
“I need to share it to everyone, at sino pa kundi ang ating mga ‘kaarruba’ (neighbors) dito sa Region One.”
Sa makahulugang ngiti ay sinabi ni Marcos na higit sa kompetisyon sa industriya ng turismo sa Ilokandiya ay ang pagkakaisa at kooperasyon.
Pinuri ni Marcos ang kuwalidad ng mga piyesta ng La Union at sinabing, “the quality and the standard of the fiestas in La Union are nationally recognized. Alam na alam namin na napakagaling ninyo, so siyempre, gagayahin namin ang ginagawa ni Apo Pacoy Ortega [La Union Governor Emmanuel R. Ortega] at lahat ng mga tropa rito.”
Suhestiyon pa niya, “sana magkaroon tayo ng mga joint of all Ilocano festivals, para much more fun, with all the things we have in common.”
Nauna rito ay hinikayat ni Marcos ang Cordilleras at Baguio City sa idinaos na Grand Street Dancing Parade ng Baguio Flower Festival na magtulungan sa pagpapa-unlad ng turismo na pinapahalagahan ang pagbibigay kaysa kompetisyon. “We will see to it that there will be a deeper connection between Baguio City, the Cordillera and the whole of Ilocandia in terms of tourism and development sharing,” aniya.
Noon lang Pebrero 2 ay inilunsad ng Ilocos Norte ang Bicentennial Year na may espesyal na edisyon ng Tan-ok ni Ilocano Festival of Festivals na tinipon ang iba’t ibang bayan at lungsod ng probinsiya sa isang ‘grand spectacle of festival dances and performances’. ABN

RELATED POSTS

ADIVAY GRAND CANAO

ADIVAY GRAND CANAO

Benguet Rep. Eric Go Yap encourages the people of Benguet to support and be one in celebrating the 122nd Benguet Foundation Day as its...

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest