Proyekto ng DILG tuloy pa rin kahit may pandemya

Siniguro ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ang mga proyekto sa imprastraktura sa mga apektadong lugar ng Communist Terrorist Group (CTG) ay magpapatuloy sa kabila ng pandemya sa coronavirus disease (COVID-19) bilang bahagi ng inisyatibong kaunlaran na tutugon sa komunistang insurhensiya sa rehiyon.
“A total of P20.7 million was earmarked for the implementation of programs intended to counter insurgency in the region under the Local Government Support Fund (LGSF) Assistance to Municipalities (AM) and Sagana At Ligtas Na Tubig Para Sa Lahat (SALINTUBIG) of DILG,” ani Marlo Iringan, DILG – Cordillera Regional Director.
Ipinaliwanag niya na ang implementsyon ng mga proyektong ito ay nakahanay sa Executive Order No. 70 na linagdaan ng Pangulo na lumikhan ng isang national peace framework at pagtatatag sa “whole-of-nation approach” upang makamit ang inclusive at sustainable peace, maingat na marating ang pinakaugat na sanhi ng labanan sa bansa.
Sa PhP20.7 milyon halaga ng infra projects sa CTG-affected areas, PhP4 milyon ang inilaan para sa dalawang porable water system na ipinapatupad sa mga barangay Western at Lower Uma, Lubuagan, Kalinga, at PhP9.9 milyon para sa pagkumpleto ng evacuation center sa Barangay Guina-ang, Pasil, Kalinga.
Sa Mountain Province naman, PhP1.4 milyon ang inilaan para sa konstruksiyon ng Forek footbridge sa Barangay Mainit, Bontoc, at PhP5.4 milyon para sa pagpapahusay ng Local Access Road sa Baranagy Mainit, Bontoc.
Noong 2019, ang Binablayan-Wangwang road sa Barangay Wangwang at Binablayan, Tinoc, Ifugao ay naayos at ang drainage system nito ay na-upgrade sa PhP4 miylon. “Infrastructure projects would improve logistics and linkages of production areas to the domestic and export markets and will ensure food security and convert farming areas in the region into resilient communities,” aniya.
Isa pa, sinabi ni RD Iringan na ang development ng farmto-market road ay isang malaking tulong sa mga magsasaka dahil mahalagang mapahusay ang paglipat ng mga produkto at serbisyo sa malalayong lugar ng probinsiya.
RM-DILG-CAR/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon