NPA lider sa Ilocos, Cordillera sumuko

Isa pang mataas ang ranggo na lider ng komunistang kilusan sa rehiyon ng Ilocos at Cordillera ang sumuko sa mga awtoridad sa Bontoc, Mt. province noong Huwebes (Setyembre 4). Si Jacinto Faroden, diumano’y ang 1st Deputy Secretary ng Ilocos-Cordillera Regional Committee (ICRC) ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army na may alyas na “Ka Digbay” ay boluntaryong sumuko sa mga sundalo at police matapos ang isang serye ng mahigit isang taon na negosasyon, ayon sa Northern Luzon Command.
Si Faroden na siya ring commanding officer ng Kilusang Larangang Gerilya (KLG) BAMPIS (Benguet, Abra-Mt. Province- Ilocos Sur) quad boundary, ay may patong sa ulo na PhP5.8 milyon pabuya para sa kaniyang ikadarakip dahil sa iba’t-ibang krimen sa Mt. rovince at iba pang probinsiya sa Cordillera na may koneksiyon sa kaniyang partisipasyon sa ilang pananambang at pagpatay sa mga puwersa ng gobyerno.
Sinabi ng 5th Infantry Brigade ng Philippine Army na ang negosasyon sa kaniyang pagsuko ay nag-umpisa noong Marso 2019 na ginawa ng militar at police sa Cordillera. Pinuri ni Brigadier General Laurence Mina, commander ng 5th Infantry Division na nakabase sa Camp dela Cruz sa Gamu Isabela ang mga tropa sa kanilang pagpupursige na humantong sa pagsuko ni “Ka Digbay”.
“This significant achievement will surely affect the ICRC leadership specially its members in Ilocos and Cordillera Regions,” ani opisyal ng militar. Pinasalamatan din ni Mina si Faroden sa kaniyang desisyon na sumuko.
“This brave act of a top ICRC leader is a welcome development and an encouragement to the remaining NPAs to lay down their arm and live in genuine peace. If a top cadre like Ka Digbay gave up with the organization that he thought could bring social justice and equality for all then why others could not? And so, I enjoin the deceived NPAs to follow the move of Ka Digbay and choose to live in the right path.”
Noon lamang Hunyo ay sumuko rin si Annie auli, diumano’y sekretarya ng ICRC kay National Security Adviser Hermogenes Esperon sa Lungsod ng Baguio.
AAD/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon