Pulitika sa Abra, kontrolado ng pulisya

BAGUIO CITY – Nananatiling nasa “area of grave concern” o’ red category ang pulitika sa lalawigan ng Abra, sa kabila ng ilang karahasan na naganap habang papalapit ang 2019 midterm election.
Iginiit ni Police Brigadier General Israel Ephraim Dickson, regional director ng Police Regional Office-Cordillera, na walang dapat ikabahala ang mga mamamayan ng Abra, dahil naka-focus ngayon ang atensyon ang kapulisan sa mga lugar na mainit ang takbo ng pulitika at sa mga pulitiko na posibleng gumawa ng karahasan.
Aniya, ang naganap na shooting incident kamakailan sa bayan ng Tayum sa pagitan ng kandidato at Barangay Chairman ay masusi niyang pina-iimbestigahan sa binuong Provincial Special Investigation Task Group (SITG), upang agad na malutas at managot ang may kasalanan.
Naitala noong Abril 23 ay nagkaroon ng enkuwentro sa pagitan ng grupo ng kumakandidatong pagka-Mayor ng bayan ng Tayum na si Joey Brillantes at grupo ni Barangay Chairman Walter Tugadi, na humantong sa barilan, na ikinasugat ng dalawang katao.
Napag-alaman na bago maganap ang insidente ang grupo ni Brillantes na nagsasagawa ng house to house campaign sa lugar nang makaalitan umano nito si Zenaida Barcena, live-in partner
ni Tugadi.
Tinawagan ni Barcena si Tugadi na mabiis itong umuwi na sakay ng
kanyang gray pick-up at kasamahan nito na lulan naman ng Toyota pick-up.
Nadatnan ni Tugadi ang grupo ni Brillantes sa may harapan ng Budac gymnasium at kinompronta sina Rexander Bolosan Echave and Magdaleno Escalante Badere, na kapuwa kasamahan ni Brillantes.
Sa mainitang pag-uusap, sinuntok umano ni Tugadi si Echave, na tumakbo patungo sa kanyang mga ka-grupo at ilang sandali ay nagkaroon na ng barilan sa magkabilang-panig.
Matapos ang putukan, sugatan sa hita si Alvin Padagas, 23, Barangay Tanod na kasamahan ni Tugadi, na ngayon ay naka-confine sa Abra Provincial Hospital, samantalang sugatan naman sa ulo si Echave na ginamot sa Seares Hospital na agad din nakalabas matapos magamot.
Pinabulaanan sa naunang report ni Brillantes sa pag-aakalang namatay si Echave dahil sa tama ng bala ng baril nito sa ulo.
Ayon sa report, si Tugadi at mga grupo nito ay nagpahayag na ng kanilang statement para sa pagsasampa ng kaso at boluntaryong sumailalim sa Paraffin examination.
Ang insidente ay ikinadismaya ni Dickson, sa mismong araw at oras na isinasagawa niya ang Intensification of Security Preparation for the 2019 Midterm Elections in Abra, sa Camp Juan Villamor, Bangued, Abra.
Sa taimtim na kampanya ni Dickson para sa mapayapang eleksyon sa Abra, na tinaguriang “area of grave concern” ay naghatid ito ng mga karagdagang equipment para palakasin pa ang security
preparations sa lalawigan, habang papalapit ang eleksyon.
Limang Mahindra Scorpio police patrol vehicles, 16 XRM 125 Honda motorcycles, one repeater, one base radio, 10 mobile radio with global positioning system (GPS), 60 handheld radio with GPS, one desktop computer, 2 high frequency coded tactical manpack and six drones.
Aniya, ang mga bagong kagamitan ay gagamitin ng kapulisan para masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan ng Abra.
“We have still more than three weeks in the run to the 2019 elections. It is therefore imperative that Abra Shield must again be raised against the remaining elements that propagate the blood
politics of the province,” ayon kay Dickson.
 
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon