STL COLLECTOR, DINAKIP SA KASONG STATUTORY RAPE

CAMP BGEN FLORENDO, La Union

Hindi nakapalag ang isang kolektor ng Small Town Lottery (STL) na tinaguring Top 3 Regional Most Wanted Person
nang dakpin siya ng mga tauhan ng Sto. Domingo Municipal Police Station, Ilocos Sur. Sa ulat ni Capt. Joseph
Fieldad, chief of police, matagumpay na nahuli ang akusadong 56 taong gulang, may asawa, sa kanyang bahay sa Barangay Calay-ab Sto. Domingo, Ilocos Sur, noong Abril 2.

Ang akusado ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest sa kasong 3 counts of Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa. Bukod dito, ay nahaharap din ito sa kasong Lascivious Conduct, na may piyansang P180,000.00 na inisyu ni Judge Leah Agripina Ramirez Florendo, ng Branch 7, RTC,Vigan City.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon