“SUGALANG NAGLIPANA SA CAGAYAN VALLEY REGION…’DI MASAWATA DAHIL PROTEKTADO NINO?”

Bato-balani sa mga saksi, lalo na sa mga pamilyang nasisira dahil sa pagkalulong sa mga bisyong
sugal, ang hindi masawatang naglipanang mga iligal na sugalan sa Cagayan Valley region. Sa Santiago City, Isabela’y namamayagpag ang dropball, salisi at color gamessa tapat mismo ng barangay hall ng Victory Norte at eskwelahan. Wala na nga daw hindi nakakakilala kay “Jayson”, ang operator ng pasugalan, bukod ssa mga otoridad na tila nagbubulag-aaaaaabulagan sa operasyon niya.

Ilang barangay din ng Santiago City diumano’y nagtayo na rin ng pasugalan sa tabing ng perya, na kung pista’y pinapayagan naman ng batas upang makalikom ng pondo. Ngunit kung buong taon nang operasyon ito, nangangahulugan din bang buong taon ay pista rin? Sa Cauayan City, Isabela
din ay tatambad sa Talavera Compound ang dropball na kinababaliwan umano ng mga traysikel drayber at mga estudyante ng Ilagan State University. Ang pasugalan din ni Alyas Boyet sa barangay Baculod ay hindi matumbok-tumbok ng otoridad kahit sila na lang ang hindi nakakapansin dito.

Kung sa Nueva Vizcaya, kapansin-pansin ang “dropball at iba pa” sa bayan ng Bambang na animo’y permanente na sa lugar at kulang na lang ipagtirikan ng sariling bandila at karatulang “Welcome loyal players ni Angelo”. Kung dumako naman sa Peñablanca, Cagayan, kaparehong dropball, salisi at color games ang tatambad sa bahagi ng national highway sa barangay Camasi. Ani ng impormante, lingguhan daw kasing may “papiring” sa mga kinauukulan kaya wala silang nakikitang “masama” rito.

Ganun na ba lugmok sa sugal ang mga taga-Cagayan Valley na hindi na sapat ang iligal na “Peryahang Bayan” ng Globaltech Gaming na noo’y ni raid pa mismo ni dating Region 1 PNP Regional Director Jun Azurin na ngayo’y PNP Chief na? Idagdag mo pa ang kinababaliwang jueteng sa tabing ng STL at mga nakakubling online sabong operations na hindi matunton-tunton ng mga kamay ng batas! Sa pamamayagpag ng mga pasugalang ito at lakas ng mga operator sa mga kinauukulan sa Cagayan Valley, hindi ba dapat nang tawaging. – “Illegal
Gambling Capital of the North” — ang Cagayan Valley?

Amianan Balita Ngayon