SUPORTA NG GOBYERNO SA PRODUKSYON NG CACAO SA CORDILLERA ISINUSULONG

LA TRINIDAD, Benguet

Maayos na lokasyon ng taniman ng Cacao, at masinop na pangangalaga nito at ang suporta ng gobyerno ang siyang susi upang matugunan ang kakulangan ng supply ng Cacao sa bansa. Ito ang naging pahayag ni Armi Garcia, Philippine Cacao Industry Association (PCIA) president and chairperson of the multi-sectoral Philippine Cacao Industry Council (PCIC), aniya malaki ang kulang ng supply ng cacao sa bansa na kung saan ay halos 10 porsiyento ang kakulangan ng fermented cavao beans at hindi ito nabibigyan ang ilang lugar sa bansa.

Paliwanag pa ni Gacia sa mga stakeholders ng lalawigan ng Benguet na “There is a shortage, We want to improve
production. Aside from good seedlings, we have to harmonize production, fermentation and drying protocols to ensure that we meet the quality requirement of the market,” she said in a press conference on the sidelines of the First Cordillera Chocolate Festival in Benguet”. Idinagdag pa ni Garcia na kailangan na mataas na uri ng Cacao an gang dapat na maani ng bawat magsasaka upang magkaroon din aniya ng mataas na presyo sa mercado na aabot mula P150 hanggang P240 kada kilo.

Ayon pa kay Garcia malaki ang potential ng Cordillera dahil sa mga matatas na terrain nito na kung saan kung mataas ang pagtatamnan ng buto ng mga Cacao ay mas malasa ito lalo na sa may elevation na 800 hanggang
1,000 metto ang taas above sea level. Napag-alaman din na kaya may mga Cacao na maganda ang uri sa Cordillera ito ay dahil nagtatanim sila sa mataas na bahagi ng bundok na may 1400 elevation above sea level. Sa ngayon ay mayroong 400 na Cacao growers na kadalasan ay nasa kanilang bakurang lamang ang pagtatanim at mayroong 22 na processor lamang.

Ani Garcia kailangan ng mga cacao growers na magbuo ng isang cooperative upang makahingi ng tulong pinansyal
mula sa gobyerno at mga kagamitan gaya ng drying at roasting machine at pasilidad mula sa isinasagawang programa ng Department of Trade and Industry. Isa sa mga tinitignan ng Philippine Cacao Industry Council roadmap for 2021-2025, ay makagapag produce ng 2 kilogram ng fermented Cacao bean kada taon mula sa 700 na
gramo lamang. Sinabi naman ni Danilo Daguio regional technical director ng DTI-CAR ang rehiyon ng Cordillera ay may 50 na ektarya ng tanim na cacao na kung saan ay matatagpuan lamang sa mga bakuran at bukid ng mga magsasaka.

“We have a lot of potential expansion areas because the cacao trees had been proven to thrive in either highland or lowland areas of the region, and it can co-exist with coffee which is also abundant in the Cordillera,” ani Daguio.
Idinagdag naman ni Benguet Governor Melchor Diclas na “Maybe our farmers can intercrop this to their farms so that they have alternative sources of income when their vegetable produce is not sold at lucrative prices”. Base sa nakuhang ulat mula sa Philippine Statistic Authority (PAS) noong 2022 ay may naiulat na 36 na tonelada ng fermented cacao beans ang inani ng mga magsasaka na nakatanim sa loob ng 54- ektartya sa lalwigan ng Apayao, Benguet, Kalinga at Mountain Province.

Ayon sa PSA noong 2020 ang gobyerno ay nakapagtala ng PHP6.65 million halaga ng investment sa industriya ng
cacao industry sa Cordillera. At sa taong ito 2024 ay nakapila na rin ang isasagawang mga training at pamimigay ng mga kagamitan gaya ng drying at roasting machine sa mga nagtatanim ng cacao upang iangat ang mga ito sa maayos
na pamumuhay at hanapbuhay.

(Liza Agoot/PNA)

Amianan Balita Ngayon