Suporta ng mga residente, hiniling sa pagsupil ng mga NPA sa Cordillera

PINUKPUK, KALINGA – Muling hiniling ng Philippine Army sa Cordillera ang suporta at tulong ng komunidad upang maingat na magbantay laban sa paglaganap ng mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa rehiyon.
Ito ay matapos mapatay ang isang pulis at siyam na iba pa kabilang ang isang police colonel, sa sagupaan noong Hunyo 5 sa pagitan ng NPA at pinagsamang puwersa ng Regional Mobile Force Battalion at ng Mountain Province Provincial Mobile Force Company.
“No LGUs and barangay officials would be proud to say that their area is infested with NPA because it is a negative mark on the locality and at the same time the people are denied of business, peace, and opportunities. That is what we do, partner our effort with the LGUs,” ani Brig. Gen. Leopoldo Imbang, commander ng 503rd Brigade na sumasakop sa Cordillera.
Ayon kay Imbang, pinakamahalaga ang kooperasyon ng mga residente dahil sila naman ang naninirahan sa komunidad, na dapat ay mapayapa.
“It will be a concerted effort lalo na ng community doon na they have to help the police, lalo na sila yung andun madalas. Importante dito, in order for it to be successful, it must be an integrated effort of the AFP, PNP, and the LGU,” ani Imbang.
Sa pagbanggit ng mga datos ng Army, sinabi ni Imbang na ang mga NPA sa Cordillera na karamihan ay sa mga far-flung sitios, at boundaries ng ibang probinsiya sa northern Luzon.
Ito, aniya, ang dahilan kung bakit ang Army ay mayroong patrol at security operations sa mga ganitong lugar.
Dagdag pa niya na ang mga permanent detachments ng Philippine Army sa Abra, Kalinga, at Ifugao, subalit wala naman sa Mountain Province o sa Sagada, kung saan nangyari ang sagupan kamakailan.
Sa pagsusuri sa sitwasyon sa Cordillera, ang probinsiya ay payapa sa pangkalahatan, paliwanag ni Imbang.
“Sa region, we have managed the security well, although there are some incidents like in Sagada, wherein a security patrol of the police doing barangay visitations had an encounter with the NPA,” aniya.
Mahalagang papel ang ginagampanan ng mga residente sa pagpapanatili ng peace and order sa komunidad, paliwanag niya, lalo na sa pagbibigay ng impormasyon sa presensiya ng mga rebelde sa kanilang barangay o presensiya ng mga estranghero.
Base sa ulat ng mga nasugatang pulis, sinabi ni Imbang, na ang mga nakaengkwentro nila ay nagsasalita ng Filipino, na maaaring hindi mga Cordilleran kundi mga personalidad na nagmumula sa lowlands, mula Metro Manila, o iba pang bahagi ng Visayas.
Aniya, ang PNP at AFP ay nagbabahagi ng intelligence at operational information, magkasamang nagtatrabaho upang masiguro ang kaligtasan ng komunidad.
Siniguro ni Imbang na ang PNP ay hindi titigil sa kanilang trabaho sa kabila ng casualties.
Aniya, ang PNP ay may kautusang manatili sa komunidad at sa mga nagka-engkwentro sa mga NPA ay nagpunta sa lugar upang kumpirmahin ang impormasyon sa presensiya ng NPAs. Subalit, aniya, ang mga makakaliwa ay nakaposisyon na.
Sinabi ni Imbang na ang sitwasyon ng NPA sa Sagada ay kinakailangang mabilis na mapag-usapan, dahil sinisira nila ang reputasyon ng probinsiya at gayundin ang pagsira ng kapayapaan sa komunidad.
Ang Sagada ay madalas bisitahin ng mga turista, kapwa ng lokal at dayuhan, dahil sa pagiging payapa ng lugar.
“Cordillerans are peace-loving people and they refuse the NPAs,” diin ni Imbang.
Ayon kay Kalinga Police Director Senior Supt. Alfredo Dangani na ang mga pulis sa probinsiya ay alerto, lalo na matapos ang insidente.
Aniya, regular na isinasagawa ang unannounced checkpoints upang masupil ang mga kriminal at mga rebelde.
Idinagdag ni Dangani, ang mga Kalinga police ay nagsasagawa rin ng border patrol ng 24-oras, lalo na sa gabi.
“Deployment and operations are intelligence driven, based on report sharing and fusion with the AFP, to preempt major crime incidents,” aniya.
Ang Kalinga, ay isa sa mga lugar sa rehiyon kung saan maraming bilang ng sagupaan laban sa NPA ang naitala sa unang bahagi ng taon, dagdag ni Dangani. L.AGOOT, PNA / ABN

Amianan Balita Ngayon