Kaligtasan ng mga pari sa Region1, tiniyak ng mga otoridad

STA. BARBARA, PANGASINAN – Tiniyak ng Police Regional Office 1 (Ilocos) ang kaligtasan ng mga pari sa rehiyon sa gitna ng pagkakapatay ng tatlong Catholic priests sa kalapit na mga probinisya sa nakaraang anim na buwan.
Sa panayam kay PRO-1 Director Chief Supt. Romulo Sapitula, sinabi nito na walang pari sa rehiyon ang napatay dahil sa preventive measure na inilagay, sa utos ni Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde.
“We should be proactive. We assured that they will be safe despite the threats they receive,” ani Sapitula.
Sinabi pa niya na inutusan niya ang mga chief of police sa rehiyon upang bisitahin ang mga pari sa kanilang areas of responsibility at magsagawa ng patrolya sa palibot ng mga simbahan at residente ng mga pari upang masiguro ang kaligtasan nila.
“I’m offering security services to all the priests, especially to the ones who receive threats. I even gave my personal number to some priests I personally know to assist them,” aniya.
Nangako rin si Sapitula na maiwasan ang mga ganitong pagpatay at all cost.
Noong Disyembre ng 2017, napatay ang paring si Father Marcelito Paez ng Jaen, Nueva Ecija ng mga motorcycle-riding suspects habang siya’y nagmamaneho.
Napatay din si Father Mark Ventura ng Gattaran, Cagayan noong Abril 29 nang siya’y nag-blessing sa mga bata at choir members matapos ang misa.
Ang huling fatality ay si Father Richmond Nilo ng Diocese of Cabanatuan, Nueva Ecija. A.PASION, PNA / ABN

Amianan Balita Ngayon