Suspensiyon ng truck ban sa Baguio hiniling ng mga mag-gugulay

LUNGSOD NG BAGUIO – Muling hiniling ng League of Association of La Trinidad Vegetable Trading Area sa trading post sa La Trinidad sa pamahalaang lungsod ng Baguio na suspendihin ang truck ban para sa mga truck na nagkakarga ng mga gulay.

“May we request you honor to lift the truck ban among the vegetable trucks from Dec. 20 to 31 this year,” pahayag ng grupo sa liham na may petsang Disyembre 6 at natanggap ng opisina ng mayor noong Disyembre 12.

Nabigyan din ng kopya ng liham ang opisina ni Councilor Benny Bomogao na siyang chairman ng committee on Barangay fund for elderly discussed transportation.

Sa liham ay sinabi ng grupo na kung posible ang pagsuspinde sa truck ban, maaaring mag-isyu ang lungsod ng 30 o higit pa natruck ban passes upang matugunan ang tumataas na pangangailangan sa gulay sa panahon ng holiday season.

Sa isang text messge ay sinabi ni Agot Balanoy, public relations officer ng grupo na umaasa sila sa tugon ng pamahalaang lungsod anumang oras dahil inaasahan nila na tataas ang pangangailangan sa gulay bago ang araw pasko at bagong taon.

Sinabi ni Balanoy na ang buwan ng Disyembre ang peak season ng industria ng gulay. “It is during this time that farmers hope to sell most of their produce since the demand doubles or triples. These vegetables from Benguet and nearby vegetable producing provinces supply key markets as far as Batanes in the north and Palawan and General Santos City in the South,” aniya.

Sinabi ni Balanoy na ang kahilingan ay upang mapayagan ang isang maayos na delivery ng highly perishable vegetables sa mga mamimili.

Ipinagbabawal ng Baguio City truck ban ordinance sa mga truck ang paggamit sa mga kalsada sa central business district (CBD) sa panahon ng rush hours mula 6 ng umaga hanggang 9 ng umaga at mula 4 ng hapon hanggang 9 ng gabi.

Ang La Trinidad trading post kung saan dinadala ng mga magsasaka ang mga gulay ay kailangang dumaan sa ilang kalsada sa CBD upang marating ang Marcos Highway, angpangunahing daan papunta sa ibang rehiyon sa kanilang destinasyon.

Habang may mga daan gaya ng diversion roads sa Suello Village at sa Balakbak Barangay, ang mga truck na may dalang tone-toneladang gulay ay hindi-kayang mag-maniobra dahil sa matarik na daan, nab anta hindi lamang sa nagbibiyahe kundi maging sa mga residente sa lugar.

Sinabi ni Balanoy na mahalaga ang oras sa pagbibiyahe ng gulay dahil sa isang pagka-antala ay magiging dahilan ng pagbaba ng kalidad – isang pagkalugi ng mga magsasaka at isang isang mas mataas na presyo para sa mga mamimili para makabawi sa kanilang pagkalugi.

PNA/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon