Tallest bamboo sa Pangasinan, pasok sa Guinness Book

DAGUPAN CITY – Pasok na sa Guinness Book of World Records ang highest at tallest bamboo structure matapos nitong masungkit ang titulo kasabay ng pagdiriwang ng ika-400 taon ng St. Vincent Ferrer Parish at ang ika-600 taong death anniversary ni St. Vincent Ferrer noong Biyernes sa Brgy Bani, Bayambang.

Ayon sa official adjudicator ng Guiness na si Swapnil Dangarikar, nasungkit ng estatwang kawayan ni St. Vincent Ferrer angpinakamataas na bamboo structure na may sukat na 50.23 meters.

Ang bamboo structure ay gawa sa engineered na kawayan at steel frame na mayroong kabuuang budget na P250 million na binuksan lamang sa publiko noong Biyernes.

Dagdag pa nito ay tinalo ng istatwa ni St. Vincent Ferrer ang Statue of Liberty ng New York na may sukat lamang na 30 meters at ang Christ the Redeemer sa Brazil na tinatayang nasa 38 meters lamang.

Matatandaan na sa taong 2014 ay nasungkit na rin ang unang titulong longest barbecue na may sukat na 8,000 meters o katumbas ng 20,246 ft. Nalampasan nito ang 6.2-kilometro na gawa ng bansang Turkey.

Francis Soriano/ABN

Amianan Balita Ngayon