TATLONG CORDILLERAN PAMBATO SA MR. ISLAND TOURISM PHILIPPINES 2024

BAGUIO CITY

Tatlong Cordilleran ang magiging pambato sa 3 rd  Mr. Island Tourism Philippines 2024, na magaganap sa Cebu sa Abril 28. Ito ay sina Armani Floresca, ng Baguio City; Jereed Lou Tido, ng Benguet, at Cleelan Evan David, ng Mt Province. Matatandaan na nabigyan ng franchise ang Cordillera noong 2023 para makasali ang mga kalalakihang tubong Cordillera sa Mr. Island Tourism Philippines.

Si Delefher Comising ang naging unang kandidato ng Baguio City,noong taong 2023 sa patimpalak at siya ang nag-disenyo sa National Costume ng Baguio representative na si Floresca, para ngayong taon. Nasa Cebu na ang tatlong kalahok para sa pageant mula pa noong Abril 20 para sa simula ng pageant na matatapos naman ang sa Abril 28.
Ang tatanghalin bilang Mr. Island Tourism Philippines ay mabibigyan ng responsibilidad na isulong ang mga isla ng bansa at hikayatin ang mga Pilipino at mga turista ng bansa na hikayatin at tangkilikin ang ganda ng Pilipinas.

Amianan Balita Ngayon