Taxi Drayber Patay sa Pamamaril

BAGUIO CITY—Isang taxi drayber ang napatay sa pamamaril ng hindi pa nakikilalang suspek noong Nobyembre
25 dakong 11:00 ng gabi sa kahabaan ng Kias Road sa lunsod na ito.Nakilala ang biktima na si Jonhher Danang Omle, 50 anyos taga lunsod ng Baguio.

Sa inisyal na police report nakita umano ng isa ring taksi drayber na bumabagal ang takbo ng taksi na nasa kanyang harapan na kung saan lula ang nasabing biktma.

Dahil dito nag desisyon ang drayber ng taksi na nakilalang si Julius D. Wakit na unahan ito upang makita niya aniya kung ano ang nangyari sa nasabing biktima na kung saan ay gumigiwang na ang takbo ng sasakyan nito

Nakita niya umano na nakasubsob sa kaliwang bintana na ang bikltima na kung saan ay agad nitong ihininto ang kanyang sasakyan at agad na pinuntahan ang nasabing drayber . Agad nitong isinugod sa isang ospital ang nasabing biktima subalit binawian din ito ng buhay dahil sa tama ng dalawang bala ng baril sa kanyang dibdib.

Sa ngayon ay npatuloy ang panganghalap ng ebidensya ng kapulisan upang matukoy ang salararin sa pagkakamatay ng taksi drayber.

Amianan Balita Ngayon