TESDA, ADTEMPCO gumawa ng libreng facemasks para sa komunidad, frontliners

PIDIGAN, Abra – Ang Provincial Office ng Technical Skills and Development Authority (TESDA)-Abra sa pakikipagtulungan sa Abra Diocesan Teachers and Employess Multi-Purpose Cooperative (ADTEMPCO) ay gumawa ng face masks bilang ambag nila sa pagpupursige ng gobyerno na hadlangan ang pagkalat ng coronavirus disease-2019 (COVID-19).

Gumagawa ang mga graduates at guro ng dressmaking scholarship program ng TESDA ng mnga washable face masks na ibibigay ng libre una sa mga health workers, police officers at iba pang mahahalagang manggagawa laban sa COVID-19.

Sinabi ni Freddie Baroña ng TESDA na may 1,000 face masks na ang naipamahagi sa health workers, Red Cross at mga barangay.

Kasalukuyang pinapatakbo ng mga volunteer ang sewing facility ng Mt. Carmel Training Center sa baying ito. Ang mga mananahi ay nabibigyan ng allowance at insentibo mula ADTEMPCO at TESDA.

Ang paggamit ng face mask ay isa sa mga paraan na ipinapatupad ng local government units bilang preventive measure laban sa COVID-19.

CAGT-PIAAbra/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon