WOMEN WITH DISABILITIES IPINAGDIWANG SA PANGASINAN

LINGAYEN, Pangasinan

Ipinagdiwang ng lalawigan ng Pangasinan ang Women with Disability Day para sa mga bata at matandang
kababaihan na may kapansanan noong huling lunes ng Marso. Ipinaliwanag ni Jennifer Garcia, Head of Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ng Provincial Social Welfare and Development Office-Pangasinan (PSWDO), na layunin ng programang ito na pakinggan ang mga hinaing ng mga kababaihan na may kapansanan lalo na pagdating sa pag-access ng health services.

Ang programa ay alinsunod sa Proclamation No. 744 na sumusuporta sa pagdiriwang na ito at ng RA No. 7277 o Magna Carta for Disabled Persons na naglalayong bigyan ng pantay na karapatan ang mga Persons with Disability (PWD). Dagdag pa ni Garcia na sa tulong nito, nabibigyan ng boses ang mga kababaihan na nakakaranas ng panga-abuso kabilang ang mga solo parent, mahirap at may kapansanan.

Batay sa datos ng National Demographic and Health Survey (NDHS) noong 2022, nakapagtala ng 165 na Physical at Emotional Abuse ang mga kababaihan habang 188 naman ang sexual na pang aabuso. Ilan pa sa mga hamon na
kinakaharap ng mga PWD ay ang kakulangan sa komunikasyon at oportunidad sa edukasyon at trabaho sanhi ng diskriminasyon. Makakatulong naman ang pagpa-paigting ng mga adbokasiya sa mga komunidad at pakikipag-partner sa mga Justice agency upang mahinto ang ganitong sitwasyon.

Nais ng PDAO na palakasin pa ang kanilang adbokasiya sa tulong ng mga programang tulad nito na naglalayong magkaroon ng mas magandang kalidad ng buhay para sa mga taong may kapansanan.

Rainbow Rivera/UB-Intern

Amianan Balita Ngayon