1 sugatan, sasakyan nasira sa natumbang puno

Sugatan ang isang dalaga at nasira ang isang sasakyan matapos matumba ang puno ng eucalyptus bandang 9:35pm ng Hunyo 13, 2018 sa kahabaan ng Kennon Road kaharap ng Baguio Medical Center, Baguio City.
Nang matumba diumano ang puno ay natamaan ang cable wires at ang Mitsubishi L200 pickup na may plakang ACY-261 at minamaneho ni Ronaldo Garcia Batara, 49, at residente ng Sto. Rosario, Baguio City. Hindi pa malaman ang halaga ng nasira sa sasakyan.
Samantala, nag-aabang naman ng taxi si Noela Abenes Daria, 19, residente ng Loakan Liwanag, nang tamaan ng cable wire na naputol sanhi ng natumbang puno at nasugatan ang kaliwang paa kaya dinala sa BMC at agad namang pinauwi matapos magamot.

Amianan Balita Ngayon