4 na binata, inireklamo sa pananakit ng isang ginang

Inireklamo ang apat na binata dahil sa pananakit nito ng isang ginang dakong 1:40am sa Ledesma Street, Aurora Hill, Baguio City ng Hunyo 13, 2018.
Sa imbestigasyon, habang naglalakad ang biktimang si Jocelyn Joaquin Villaruz, 43, residente ng Ledesma, Chico Street, lungsod na ito, upang bumili ng pagkain nang madaanan niya ang mga suspek na sina Emmerson Jebs Juquiana Barbacena, 25; Jimmy Vlaveria Guinto, 23; John Wong Galvan, 18; lahat ay residente ng South Central, Aurora Hill, Baguio City; at Rommel Palangdeo, 18, residente ng Brookspoint, Baguio City. Nakaupo ang mga suspek sa bandang simbahan.
Nagkaroon ng matinding pagtatalo sa pagitan ng biktima at mga suspek nang lumapit si Palangdeo sa biktima at binasag nito ang bote ng alak sa mukha ng biktima, kung kaya nagdugo ang ulo ng biktima at nakaramdam ito ng pagkahilo.
May lumapit naman sa biktima na tumulong sa kanya at dinala sa hospital.
Ang kaso ay nasa inquest proceedings.

Amianan Balita Ngayon