CAMP DANGWA, Benguet
Sa pagtatapos ng selebrasyon ng National Women’s Month, 11 police, kabinag ang pitong policewomen ang pinarangalan ng Police Regional Police OfficeCordillera, kaugnay sa kanilang hindi matatawarang kontribusyon sa serbisyo sa kapulisan at komunidad, sa ginanap na seremonya sa Camp Major Bado Dangwa sa La Trinidad, Benguet, noong Marso 25. Pinangunahan ni Brig.Gen. David Peredo,Jr., regional director,kasama si Maritess Cardinez, President/Owner Managing Officer, C & T Builders Incorporated bilang Guest of Honor and Speaker, sa pagbibigay ng karangalan,kasama ang mga command group.
Sina SSg Hazel Aldaca, ng Abra PPO at PCpl Phoebe Chumanao, ng Benguet PPO, ay ginawaran ng Medalya ng
Kagalingan (PNP Medal of Merit) para sa kanilang natatanging serbisyo sa pagsasagawa ng magkahiwalay na buy-bust operasyon. Iginawad naman ang Medalya ng Ugnayang Pampulisya (PNP Relations Medal) kay Col.Vivian Paclibon, chief Regional Information and Communication Technology Management Division, para sa kanyang mga natatanging serbisyo sa pag-oorganisa ng mga matagumpay na outreach program.
Capt. Linda Ayadi, ng Baguio CMDU, na kinilala sa kanyang mahusay na pagganap sa pagsisimula ng matagumpay
na outreach program na nagbibigay ng mga serbisyo sa ngipin sa Baguio City. Pat Harlyne Choycawen, ng Regional Mobile Force Battalion-16, na kinilala bilang facilitator sa pagkumpleto ng “Bedbed E-Library Project” sa Mankayan, Benguet. Pat Kanie Kayle Pallat,ng RMFB15, na kinilala sa kanyang serbisyo sa pagtatapos ng proyektong “Palikuran sa Barangay at Paaralan” sa Kabugao, Apayao.
Ang Medalya ng Papuri ay iginawad kay Pat Pinky Tibaldo, ng RMFB15, bilang facilitator at lecturer sa matagumpay na pagsasagawa ng “Binnadang Kordilyera 1” sa Mountain Province. Ang Medalya ng Kasanayan ay iginawad kay Lt.Col. Jerry Haduca, ngng Regional Learning and Doctrine Development Division (RLDDD), kaugnay sa kanyang
namumukod – tanging pamumuno sa pagtataguyod ng women’s empowerment sa kanyang panunungkulan
bilang Deputy Provincial Director for Administration ng Benguet PPO.
Pinarangalan din sina Pat Crise Indammog, ng CIDGRFU14 sa kanyang kapuri-puri na serbisyo bilang alternatibong handler ng recording device sa panahon ng warrant of arrest operation na nagta-target sa isang topmost wanted na indibidwal; SMS Dick Timbreza, ng Abra PPO, na kinilala sa pagpapasimula ng livelihood training programs sa iba’t ibang barangay ng Abra at Cpl Jordan Palongyas, ng Benguet PPO, na pinuri sa kanyang paglilingkod sa panahon ng “Pabahay at Pailaw Project” sa Tuba, Benguet.
Zaldy Comanda/ABN
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024