128 LITERARY ENTRIES NATANGGAP NG ILI PRESS PARA SA MAGAZINE

BAGUIO CITY

Sa pagdiriwang ng National Poetry Day ngayong Marso, ibinahagi ng Ili Press na nakalikom sila ng 128 Literary Entries na gagamitin para sa kanilang kaunaunahang magazine na may kinalaman sa Cordillera. Ang Ili Press, isang
bagong tagapaglathala ng mga akdang pampanitikan, ay nalulugod na ipahayag ang kanilang panawagan para sa mga pagsusumite para sa kanilang paparating na magasin. Ayon sa ibinahing post ni Heather Ann Pulido, editor-in chief ng Ili Press, nakatanggang sila ng mahigit 70 na tula, 30 short stories, 20 essays, at ilang lyrics at experimental works na may kinalaman sa kanilang karanasan sa Cordillera.

Nitong kakatapos Pebrero 1 hanggang Marso 9, 2024, iniimbitahan ang mga manunulat na may malalim na ugat na koneksyon sa rehiyon ng Cordillera na isumite ang kanilang mga literary piece sa iba’t ibang drop boxes na nakalaan sa lungsod ng Baguio. Ang mga dropbox na ito ay matatagpuan sa Baguio City Public Library, Avados Cafe, Mountain Collegian Office (Benguet State University), Bee’s Nest Co-working Studio, Ili-Likha, Mt Cloud Bookshop,
Tingi Station – Rooftop at Mega Tower 2, at Puon Bookshop.

Ang pagkakataong ito ay binuksan sa sinumang may edad na 18 taong gulang pataas, na may makabuluhang koneksyon sa rehiyon ng Cordillera at kabilang dito ang mga ipinanganak, nabuhay o nanirahan, nagtrabaho o umibig sa rehiyon. Hinikayat ng Ili Press ang publiko na magsumite ng 1-3 literary piece na nakakaapekto sa iyong ili o koneksyon sa Cordillera na maaring nasa anyo ng tula, maikling kwento, sanaysay, flash fiction o nonfiction, lyrics, o eksperimentong gawain.

At sa pagsasara ng naturang kaganap, nagkaroon ng Writing Session at Performances ang ilang mga nagpadala ng kanilang entries na ginanap sa Burnham – Skating Ring. Ilan sa mga nagbahagi ng kanilang kwento at karanasan sa
Cordillera ay mga estudyante, mga taong bumubuo ng Ili Press, at ilang dayuhan at turista.

Almira Mia P. Marasigan/UBIntern

Amianan Balita Ngayon