BOOK DONATION DRIVE, ISASAGAWA NG UB SA ABRIL

BAGUIO CITY

Inaanyayahan ng University of Baguio ang publiko na magdonate ng kanilang mga gamit ng libro gaya na lamang ng academic, non-academic, middle-grade, novels, at picture story book, na ipapamahagi nila sa isang Book Donation Drive sa darating na Abril 27. Ang aktibidad na ito ay alinsunod sa selebrasyon ng ika-75th Founding Anniversary ng unibersidad at mula noong buwan ng Enero hanggang Mayo ay may mga nakalatag na programa para sa publiko.

Sa mga nais magdonate ng libro, bisitahin lamang ang mga library donation drop sa naturang Unibersidad mula
8:00AM – 5:00PM, araw-araw hanggang Abril 23. “Five event yan, so January hanggang May. So every month, may mga clusters na inassign si President Herminio Javier Bautista na maghahandle non. So, ‘yon ‘yong reason kung bakit meron ito para sa extension program talaga,” ayon sa naunang panayam kay Jonald Aglosolos, University of
Baguio – Finance Department.

Ang five-cluster event ay naglalayong mapatupad ang 17 Sustainable Development Goals (SDGs) ng United Nations sa komunidad, kung saan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga residente ng Baguio at mga mahandugan ng mga kinakailang tulong at serbisyo. Upang mas mapatatag ang bayanihan, layon din ng five cluster event na matulungan, magbigay serbisyo, tulong, at konsultasyon hindi lamang sa UB Community at karatig na mga barangay, kundi pati na rin sa mga residente ng Baguio.

Kamakailan lamang, nagbigay serbisyo muli sa ikatlong pagkakataon ang University of Baguio – Research Innovation Extension and Community Outreach (RIECO) Office sa pamamagitan ng libreng Computer System and Engineering Consultation Services sa publiko na ginanap sa Malcolm Square nitong Marso 12. “Regarding sa amin, MIS, tungkol sa mga computer, or kung pwedeng may for repairs na laptop or installation ng free open source na mga softwares, bali yun yung offer namin.

Tapos consultations about pagpurchase nila ng mga laptops and gadgets,” paliwanag ni Romeo Amiten, University of Baguio – Management Information System (MIS) Office Technical Support. Ilan sa mga serbisyong nakapaloob sa programang ito ay ang Virus Scanning, Reformatting, Installation of Open Source Applications, Consultation on Procurement of Computer Peripherals, Computer Set, Laptop, Network, Etc., Troubleshooting, Structural Designs, Consultation on Building Permit, SanitaryRelated Concerns, Occupational Safety, at Equipment Maintenance.

Dagdag pa ni Amiten, “Ito ay isang parang way to give back to the University of Baguio, and since giving back, syempre free, para maganda itong itake opportunity ng public kasi free, at lalo na ngayong kasama natin ang
DICT.”

Valerie Ann E. Dismaya/UB-Intern

Amianan Balita Ngayon