13 turista huli sa La Union dahil sa paglabag sa health protocols

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union – Labing-tatlong turista mula sa Metro Manila ang hinuli sa La Union dahil sa paglabag sa border control at health protocols.
Sa isang ulat mula sa Provincial Government of La Union (PGLU), ang mga turista ay naaresto noong Hulyo 3 dahil sa pagpapakita ng maling impormasyon hinggil sa kanilang pagbibiyahe sa border checkpoint sa bayan ng Rosario.
“Investigation conducted by the San Juan, La Union Police Station revealed that the tourists entered through the Brgy. Rabon, Rosario, La Union checkpoint and presented themselves as passing-by tourists bound to Baguio City but they subsequently went and checked-in at one of the beach resorts in Brgy. Urbiztondo, San Juan, La Union,” nakasaad sa report.
Ang mga lumabag kabilang ang isang empleyado mula sa Department of Health at isang rehistradong doctor ay inimbitahan sa istasyon ng pulis nang mabigo silang magpakita ng kumpleto at balidong mga dokumento sa mga awtoridad na kinakailangan sa pagpasok sa probinsiya.
“The suspects availed their right to preliminary investigation by signing a waiver and were released from police custody by virtue of Discharge from Custody after posting their bail bond of P3,000.00 each,” dagdag sa ulat.
Samantala ay kasalukuyang iniimbestigahan ang mga kinauukulang establisimiyento sa surfing town na San Juan para sa posibleng endorsement ng pansamantalng pagpapasara.
Sinasabi sa Executive Order (EO) No. 27 na inisyu ni La Union Governor Francisco Emmanue R. Ortega III noong Mayo 20, 2021 na ang non-residents ng La Union mula sa Luzon ay maaaring makapasok sa probinsiya para sa kaukulang panturismo simula Mayo 22.
Sa ilalim ng EO, kailangang magprisinta ng isang negative reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) swab test result na na-isyu sa loob ng 72 oras bago ang pagdating nila sa probinsiya.
Isang negative saliva test result na insiyu ng Philippine Red Cross ay maaaring iprisinta sa kawalan ng isang negative RT-PCR result.
Isa pa, kailangang magrehistro at mag-apply ang mga turista para sa isang travel request sa Tara Na! VISITA System kahit limang araw bago ang petsa ng kanilang biyahe.
Hinihingi ng PGLU ang kooperasyon ng lahat, kapuwa mga residente at hindi-residente, sa pagsunod sa national at local health and travel protocols sa gitna ng pandemya sa coronavirus.
(AMB/JPD, PIA LU/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon