150 bagong pulis sa Ilocos nanumpa

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union – May kabuuang 150 bagong pulis mula sa Region 1 na kinuha sa pamamagitan ‘nameless and faceless’ system ang nanumpa sa parade ground ng Camp Brigadier General Oscar Florendo noong Hulyo 29 sa lungsod na ito.
Pinangasiwaan ni Police Brigadier General Emmanuel B. Peralta ang panunumpa ng mga bagong pulis na kung saan 80 sa kanila ay mga lalaki habang 70 ay mga babae.
“These new police recruits have passed the first ‘nameless and faceless’ recruitment system for the incoming PNP members,” ani Peralta, ang regional director of Police Regional Office 1.
Sa ilalim ng bagong recruitment scheme ng PNP, isang quick response (QR) code system ang gagamitin upang itago ang pagkakakilanlan ng isang aplikante.
Ang kuwalipikasyon lamang ng aplikante ang susuriin upang matiyak kung siya ay tatanggapin sa puwersa ng kapulisan. Gagamitin ang QR code system sa buong proseso ng police recruitment, kasama ang body mass index and agility, drug, at neuropsychiatric tests, gayundin ang physical, medical, at mga dental examination.
Matapos ang panunumpa, ang mga bagong police recruits ay sasailalim sa swab test at quarantine bago ang kanilang Public Safety Basic Recruit Course (PSBRC) training sa Regional Training Center sa Aringay, La Union.
Ang PSBRC ay isang 24-linggo na intensive at progressive training na dinesenyo para sa mga bagong-talaga na police non-commissioned officers upang mabigyan sila ng saligang kaalaman at kakayahan sa police science, administration, combat operation, at tactics.
Sa pagsasanay, ang mga police recruit ay magtatamo ng pamantayan ng paggawi (norms of conduct) na kailangan sa kanilang mga trabaho bilang tagabantay ng kapayapaan at protector ng mga buhay at ari-arian.
Habang nasa pagsasanya, ang mga police trainees na may isang temporary appointment ay tatanggap ng buwanang sahod para sa isang patrolman o patrolwoman na nagkakahalga ng PhP29,668.00.
“Remember to live by our motto to be citizen-friendly and protector of human rights. Be role models in the continuing search for peace and security aligned to the national agenda of our leadership,” ani Peralta.
(FGL-PIA1/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon