2 CAFGU patay sa atake ng NPA

DOLORES ABRA —Patay ang dalawang miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit-Active Auxiliary (CAA) sa pagtatanggol na hindi masakop ng mga lumusob na rebeldeng New People’s Army ang kanilang kampo noong Huwebes sa bayan ng Sallapadan, Abra.

Nabatid kay Lt. Col. Jearie Boy Faminial, commanding officer ng 24th Infantry (Wildcat) Battalion mula sa ilalim ng 70th Infantry Division, magiting na nakipag-barilan ang mga tauhan ng CAFGU, na lumusob para sakupin ang kanilang detachment sa may Barangay Maguyepyep, dakong alas 8:30 ng umaga ng Agosto 15.

Ayon kay Faminial, tumagal ng 30 minuto ang pakikipagbarilan ng kanilang mga tauhan sa di-ma mabilang na rebelde, hanggang sa tumakas ang mga ito papalayo.

Hindi muna pinabanggit ang pangalan ng mga namatay, na ang isa ay namatay on the spot, samantalang ang isa ay namatay habang isinusugod sa Ducam Hospital, Dolores, Abra, dulot ng pagka-ubos ng dugo.

Hindi pa makumpira ni Faminial kung may casualties sa mga rebelde, na ngayon nagsasagwa ng hot pursuit ang mga sundalo at pulistya sa posibleng daanan at pagtaguan ng mga ito.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon