2 wanted persons, naaresto ng Ifugao PPO

LAGAWE, IFUGAO – Dalawang lalaki na kabilang sa wanted persons ang nadakip ng Ifugao police sa magkasunod na araw noong nakaraang linggo.
Sa utos ni Ifugao Police Provincial Office Acting Provincial Director Police Senior Superintendent Mark Danglait Pespes ay pinatindi ang police operations sa pag-aresto ng mga wanted persons sa pakikipagtulungan ng Lamut Municipal Police Station sa ilalim ni Officer-in-charge Police Inspector Reynaldo M. Bawanta at Mayoyao Municipal Police Station sa pangunguna ni Officer-in-charge Police Senior Inspector Michael M. Dangilan.
Ang operasyon ay humantong sa matagumpay na pagkakahuli ng tracker team ng Lamut MPS sa Poblacion West, Lamut, Ifugao bandang 1:30pm ng Mayo 22, 2018 kay Leon Bay-yong Paterno, 57anyos na magsasaka at residente ng Bimpal, Lamut, Ifugao, na kinasuhan ng krimeng malicious mischief sa sala ni Presiding Judge Modesto Bahul Jr. ng 3rd MCTC ng Lamut-Asipulo-Tinoc at may bail bond na P10,000.
Nahuli naman ng tracker team ng Mayoyao MPS at Bato-Alatbang, Mayoyao, Ifugao bandang 7am ng Mayo 23, 2018 si Erwin Boocan Eblahan, 27anyos na laborer at residente ng Sitio Fuju, Barangay Balangbang, Mayoyao, Ifugao, na kinasuhan sa sala ni Presiding Judge Ester L. Pisco-Flor ng RTC, Branch 34, Banaue, Ifugao sa krimeng panggagahasa na walang piyansa. PO2 J.B.PALIGAN, SPO3 F.CB.HABIATAN/ IFUGAO PPO

Amianan Balita Ngayon