20 PDL ng Baguio jail nagtapos ng elementarya, high school

LUNGSOD NG BAGUIO – Nasa 20 inmates ng Baguio City Jail male dorm na Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang tumanggap ng kanilang diploma dahil sa pagtatapos nila ng elementarya at high school sa pamamagitan ng mga module sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS) ng Department of Education (DepEd), ayon sa isang opisyal noong Miyerkoles.

“This is one of the government’s efforts to promote intellectual well-being of PDLs so that when they return to the mainstream of society what they have learned inside the facility will be put in good use,” ani Baguio City Male Jail warden, Crispin Dornagon.

Sa 20 na PDL, 13 ang nagtapos sa secondary level habang pito ang nagtapos sa elementary level noong Martes. Sinabi ni Dornagon na ang programa ay ginagawa taon-taon dahil may mga pagkakataon na may bagong preso ang kwalipikadong kumuha ng programang ALS.

Sa ilang buwan, ang mga interesadong estudyante ng ALS ay sasailalim sa isang review sa tulong ng isang guro ng ALS at DepEd. Dadaan sila sa isang proseso ng pag-aaral kung saan inihahanda ang mga estudyante para sa assessment para matukoy ang kanilang level.

Hindi pinag-uusapan ang edad sa ALS, isang programa ng DepEd na naitatag upang mabigyan ang lahat ng Pilipino, kahit mga PDL, ng pagkakataon na magkaroon ng access at makumpleto ang kanilang basic education sa paraan na babagay sa kanilang sitwasyon at pangangailangan.

Ito ay isang parallel learning system sa Pilipans na nagbibigay ng isang praktikal na pamimilian sa umiiral na formal instruction.

Ang Baguio City Male Dorm ay pinamamahalaan ng Bureau of Jail Management and Penology
(BJMP).

“Everyone has a right to free basic education, even our PDLs that is why we conduct this to
help them,” ani Dornagon.

Sinabi niya na isa sa mga misyon ng BJMP ay magbigay ng makataong pagtrato sa mga PDL sa pamamagitan ng mga programa na magpapahusay sa kanilang personalidad, kakayahan at kahit ang kanilang pamumuhay sa loob ng piitan o kung babalik na sila sa komunidad sa oras na makalaya na.

Sinabi niya na kung ang isang tao ay wala o hindi makapasok sa formal education sa mga paaralan, ang ALS ay isang alternatibo o kapalit.

“ALS is an alternate or substitute which includes both the non-formal and informal sources of knowledge and skills,” aniya. Sa ngayon ay may 34 PDLs ang nasa BJMP-Male Dorm.

PMG-PNA/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon