Sa tuwing magpapalit ang taon…agad papasok sa isipan ng karamihan: ANO KAYA ANG PASALUBONGNG BAGONG TAON? Ano nga kaya. Subukan nating himayin ang mga ito, pards:
Sa tuwing bagong taon ay nagpapalit ng hitsura o postura. Maaring bagong estilo o moda ng pananamit, sa ayos ng buhok at mga kolorete. Kung inyong maala-ala, may taon noon na lumapad nang husto ang laylayan ng mga pantalon na akala mo magwawalis ka sa kalsada. Lumapad ang mga kuwelyo ng damit na akala mo lilipad ka na sa runway.
Pati ang estilo ng buhok nagmistula pang bahay ng manok at pati pagpapakalbo ay nauso. Marami
ang nababago dahil sa modelo at uso. Uso rin kaya ang pagbabago ng ugali at asal? Sabi nga ng iba: balutin ka man daw ng ginto kung bulok din ang iyong ugali…bulok ka pa rin. Batobato sa langit.
Sa edukasyon, marami tayong inaasahang pagbabago ngayong Bagong Taon. Nariyan na ang mga napaulat kamakailan na medyo nangungulelat tayo sa buong daigdig kung matemateka at siyensia ang pag-uusapan. Dumami pa ang NO READ NO WRITE. Dapat sigurong palakasin ang sistema ng
edukasyon sa ating bansa lalo at natural ang ating kahinaan.
Sa Pilipinas, di na tayo tinatantanan sa pananakop at pambubully ng Tsina sa West Philippine Sea. Bagamat, may mga hakbangin na angating pamahalaan upang mabago ang ating ratsada kontra sa mga gustong umagaw sa ating teritoryo. Ang mga ginawang paraan sa nakaraang mga taon ay naluma na. Dapat daw ay baguhin natin ang pangontra, ayon kay Pangulong Bongbong. Yan ang inaabangan ng marami. Salamat naman sa pagmamalasakit ng mga ibang bansa. Australia, Amerika, Japan at marami pang ibang bansa. Dalangin natin na sana humupa na ang tensiyon sa
WPS.
Kung sa kalakaran na ilang dekada na tayong pinuputakte ng mga problema sa importasyon ng mga produktong agrikultura at iba pang gamit…malaki ang ating tiwala na sa paglilinis na ginagawa ngayon ng ating gobyerno sa mga ahensiyang nakapalibut sa mga illegal na transaksiyon…ay mareresolba ang mga mali at pagsasamantala. Marami tayong ini-import mula sibuyas hanggang sa karne at bigas. Wala tayong magagawa dahil kulang tayo. Pati nga isda,
inuulan tayo ng mga imported na nagpapahirap naman sa ating mga lokal na mangingisda.
Ayon sa mga analysts: panahon na upang palakasin natin ang sarili nating produksiyon . Bakit tayo
mag-iimport kung kaya din nating palaguin ang ating sariling kakayanan. Kakulangan kaya ng teknolohiya ang dahilan? Palagay ko, hindi, pards. Kasi kung maala-ala natin…tayo pa nga ang nagturo sa ibang mga bansa sa Asya gaya ng Vietnam kung papaano palakasin ang produksiyon ng
bigas. Eh, ang seste, sila pa ngayon ang nag-eexport ng bigas sa atin. So, may malaki tayong problema. Yan ang dapat tutukan.
Kung sa kriminalidad ang usapan…marami tayong mga kaso na di pa rin nareresolba kung saan, lantaran ang mga pagpatay at mga enkuwentro na nagaganap sa lipunan. Alam natin na hindi natutulog ang mga ahensiyang nangangasiwa ng seguridad sa bansa. Kung may kakulangan man sa kaalaman at kagamitan, yan ang dapat tumbukin din agad. Buti na lamang marami tayong mga nasa pribadong sektor na tumutulong gaya ng mga nagbibigay ng mga donasyon sa gamit ng PNP,
DOH, AFP at sa iba pang mga pangunahing ahensiyang kabisig ng bayan para sa pagunlad.
Sa kabuo-an…marami tayong kinahaharap na mga pagsubok ngayong 2024. Sa ating pagkakaisa at
pagtutulungan at kasipagan…kaya nating sagupain lahat ng mga balakid sa taong ito at hinaharap. Adios mi amor, ciao, mabalos.
January 6, 2024
January 6, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024