22 miyembro ng UGMO sa Ilocos Sur nanumpa ng katapatan sa gobyerno

LUNGSOD NG VIGAN, Ilocos Sur – May kabuuang 22 miyembro ng Underground Mass Organizations (UGMO) ang binawi ang kanilang suporta sa CPP-NPA Terrorists (CNTs) at nanumpa ng katapatan sa gobyerno sa isang seremonya na ginawa noong Nobyembre 23 sa bayan ng Nagbukel, Ilocos Sur.
Sa bilang na ito ay 17 ang miyembro ng Pambansang Kilusang Magsasaka (PKM) mula sa mga barangay ng Taleb, Mapisi, Bandril, at Lapting, dalawa ay miyembro ng Malayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (MKBK), at tatlo ay mga miyembro ng Kabataang Makabayan (KM) mula sa mga barangay ng Taleb at Lapting lahay mula sa nasabing bayan.
Pinangunahan ni Nagbukel Mayor Amalia Cabrera ang panunumpa na sinundan ng deklarasyon ng CNTs bilang Persona-non-Grata sa mga Barangay ng Taleb, Bandril, at Lapting sa pamamagitan ng barangay resolutions at pagalis ng tabing ng Persona-non- Grats tarpaulin.
Pagkatapos, ang 81st Infantry Battalion, 702nd Infantry Brigade, 7th Infantry Division ng Philippine Army ay nagsagawa ng isang reorientation at redirection lecture sa mga sumuko kung paano sila nalinlang ng CNTs at upang ipakita sa kanila ang epekto ng presensiya ng mga armadong grupo sa kanilang lugar.
Sa kaniyang mendahe ay pinuri ni Mayor Cabrera ang katapangan ng mga miyembro ng UGMO na bawiin ang kanilang suporta sa CNTs at hinamon sila na bumalik sa kanilang sariling mga paa na mamuhay sa kapayapaan at kaayusan sa panig ng gobyerno.
“Nagpapasalamat ako sa inyo at nagbalik loob kayo sa ating gobyerno. Ating isipin ang kinabukasan ng ating pamilya at kapakanan ng karamihan. Nawa’y ating tandaan ang ating responsibilidad bilang mamamayang Pilipino upang mapanatili ang kapayapaan sa ating komunidad,” aniya.
Pinasalamatan din ni Cabrera ang 81st IB sa pagtatalaga ng Community Support Group (CSP) teams sa kanilang bayan na nagbibigay seguridad at tulonh sa pamamahagi ng mga programa ng gobyerno sa kaniyang mga nasasakupan.
Ang pagsuko ng mga miyembro ng UGMO ay dahil sa pagssikap ng Community Support Group Program team ng 81st IB PA sa paghahatid ng pinabuting mga serbisyo sa iba’t-ibang lugar sa Ilocos Sur.
Samantala ay sinabi ni Lieutenant Colonel Rodrigo Mariñas, Jr., Commanding Officer ng 81IB, “Malaking pagsubok sa atin lahat ang kinakaharap nating problema ng insurhensiya dito sa Ilocos Sur.
Ngunit ang pagbawi nyo ng supporta sa mga Teroristang grupo ay simbolo na malaki ang pag-asa na sa konting panahon na lang ay matatapos na natin ang problemang ito para sa kapayapaan at pag unlad ng ating bayan. Nawa’y isaisip at isapuso natin ito.
Lahat tayo ay may responsibilidad sa mandato ng kasalukuyang administrasyon at nananalangin kami na gagampanan ninyo ang inyong responsibilidad sa pagresolba sa problemang ito.”
“Kami sa Philippine Army ay patuloy na makikipagtulungan sa ating mga local government units at national government agencies para maipakita sa inyo ang aming sinseridad sa pagtapos ng insurhensiya dito sa Ilocos Sur,” dagdag ni Mariñas.
Sa pamamagitan ng poverty Reduction Livelihood and Employment Cluster (PRLEC) ng Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC), magbibigay ang gobyerno ng tulong sa mga dating miyembro ng UGMO sa pamamagitan ng iba’t-ibang programa upang mabigyan sila ng livelihood at/o tulong pinansiyal at pagsasanay na makakatulong sa kanila na magtatag ng conflict resilient communities.
Noong Nobyembre 20 ay limang miyembro ng UGMO sa isang barangay sa bayan ng Santiago ang nanumpa rin ng katapatan sa gobyerno kung saan sinunog nila ang “effigies” ng CNTs na nagooperate sa Ilocos Sur at tumanggap ng iba-ibang tulong mula sa member-agencies ng PRLEC.
JMQ- PIA IS/PMCJr.-ABN
 

Amianan Balita Ngayon