2,253 TRAFFIC VIOLATIONS NAHULI SA REGIONWIDE ROAD CLEARING OPERATIONS NG PROCOR

BAGUIO CITY– May kabuuang 2,253 na paglabag ang naitala sa buong rehiyon sa mahigpit na pagpapatupad ng mga lokal na ordinansa sa illegal parking at road obstructions na isinagawa
ng Police Regional OfficeCordillera. Sinabi ni BGen.Mafelino Bazar, regional director, sampung araw matapos niyang ibigay ang kanyang tagubilin na tumulong sa lokal na pulisya para sa pagpapatupad ng traffic local ordinances sa illegal parking at road obstructions at parusahan ang mga lalabag depende sa mga probisyon ng lokal na ordinansa kung saan sila binanggit.

Sinabi ni Bazar, batay sa mga talaan ng Regional Operations Division (ROD) mula Agosto 25 hanggang
Sept.3, ang Baguio City ang may pinakamataas na bilang ng violatos na may 1,306; Benguet na may 797; Abra na may 106; Mt. Province-18; Kalinga12;Ifugao-10 at Apayao-4. “Bagamat hinigpitan natin
ang pagpapatupad ng ating mga lokal na ordinansa, ang gusto talaga natin dito ay ang pagtutulungan ng ating mga kababayan,na kusa silang sumunod sa batas trapiko para maiwasan ang pagmulta,” ani
Bazar.

Pinaalalahanan din niya ang mga nag-aayos ng kanilang mga sasakyan sa kahabaan ng highway na laging gumamit ng early warning devices para maiwasan ang mga aksidente. “Hindi lahat ay pamilyar sa
mga katangian ng ating mga kalsada, bukod pa sa kung minsan ay makapal ang hamog kaya makakatulong ito sa pag iwas sa mga aksidente kung may mga early warning device. Tapos, dapat agad nilang tanggalin ang kanilang mga sasakyan kapag tapos na silang ayusin para ‘ t abalahin ang ibang motorista,” dagdag ni Bazar.

Sinabi ni Bazar, patuloy pa rin ang pagpapatupad ng mga pulis ng pinaigting na road clearing operations para maiwasan ang mga aksidente at matugunan ang mga reklamo ng ilang residente kaugnay ng illegal parking at mga sagabal sa mga highway. Dagdag pa rito, ang mahigpit na pagpapatupad ng Anti-Road Obstruction Operations ay pinupuri sa pamamagitan ng patuloy na awareness campaign at mga probisyon ng road assistance.

Zaldy Comanda/ABN

TREE GROOMING

Amianan Balita Ngayon