23 anyos, patay sa gulo sa bar

Patay sa sagupaan ng mga kalalakihan ang isang 23 anyos na bar goer sa loob ng isang videoke bar sa Mabini Street, Huwebes (Hulyo 6) ng umaga.
Nasaksak ng basag na salamin ang biktimang si Jimmy Angelo Sambat Garci ng suspek na si Lester Apelledo Managdeg, 22 anyos, sa loob ng Wolves Tavern Videoke Bar.
Ayon sa pulisya, umiinom ang grupo nina Garci at Managdeg sa nasabing bar nang maganap ang mainit na bangayan sa pagitan nila at nauwi sa bugbugan. Sa ulat ay tinamaan ni Garci si Managdeg ng bote sa mukha at pinulot naman ng suspek ang basag na salamin na ipinangsaksak sa biktima.
Nagtamo ng tatlong sugat si Garci sa itaas ng katawan na idineklarang patay ni Dr. Limuel Laygo ng Saint Louis Hospital.
Nahuli naman ng mga pulis si Managdeg. ACE ALEGRE

Amianan Balita Ngayon