3 maliliit na isolation facility ng Baguio isasara

Metro BLISTT

BAGUIO CITY – Dahil sa sobrang bigat ng gasyusin ng Syudad ng Baguio ay minabuti nitong isara pansamatala ang tatlong maliliit na isolation facility bilang pagtitipid sa gastusin ng syudad ng Baguio.

Ito ay ipinahayag ni Aileen Refuerzo , Chief information officer ng City Hall noong nakaraang Lunes na bahagi umano ng local na pamahalaan na isara ang tatlong maliliit na isolation facility upang mabawasan ang gastusin ng syudad sa mga center na ito na kung saan ay kaunti lamang ang nailalagak na mga pasyente ng Covid-19 kung kayat sa malaking pasilidad na lamang ibuhos ang nasabing badyet para sa mga pasyente ng Covid-19.

Ayon kay Refuerzo isasara na ang V-Dorm at ang Ferioni Apartment na kung saan ay naglalaman ng 140 na kapasidad ito ay matatagpuan sa barangay Teodora T.Alonzo na malapit lamang sa Baguio Health department.

Paliwanag pa ni Refuerzo na sinabi umano ni Mayor Benjamin Magalong na ang mga naisarang isolation facility ay maaring buksan kung kinakailangan sa anumang oras. Matatandaan na nakipagtulungan ang syudad sa pamamagitan ng Oplan Kalinga sa National Task Force Against Covid-19 na sasagutin umano nito ang mga dagdag na operational expenses sa mga itatayong isolation facility dahil sa biglaang pagtaas ng mga biktima ng ng Covid-19 at agresibong pagsasagawa ng contact tracing at expanded testing.

Ipinaliwanag pa ni Refuerzo na patuloy na gagamitin ng syudad ang Sto. Niño community isolation facility na kung saan ay may 300 na bed capacity para sa mga biktima ng virus, ganun sa loob ng Teacher Camp na may 500 bed capacity bilang pangunahing isolationfacility ng lunsod.

Sa ngayon ay may 252 active Covid-19 na kaso mula sa kabuuang 5,466 na kaso ng Covid-19 na naitala mula noong 2020.

Sa panig naman ni Dr. Rowena Galpo, city health officer sinabi niya na marami na umanong gumaling na mga pasyente ng Covid-19 mula sa ibat-ibang isolation facility at ito ay nangangahulugan na bumaba na ang kaso ng Covid-19 sa lunsod.

Nilinaw rin ni Galpo na ang 24-bed isolation unit na nasa Baguio Convention Center na malapit sa triage center ay patuloy na gagamitin sa mga emergency purposes na kung sakaling may magpositibo sa mga taong dumaraan sa triage.

Itinayo ng Department of Public Works and Highways ang nasabing pasilidad na may 24 na kuwarto na gawa sa apat na malalaking container van. Sa 24 na kuwarto 12 ang ginagamit bilang emergency room kung sakaling may mag positibo sa mga taong dumaraan sa testing at habang naghihintay ng resulta ng triage, Ang 12 naman na kuwarto ay inilaan sa mga health workers.

PNA