35% ng kababaihan, gumon sa paninigarilyo

Nababahala ang City Health Services sa lungsod dahil sa pagtaas ng bilang ng kababaihan na nagugumon sa paninigarilyo batay sa isang pagsusuri na isinasagawa upang alamin ang antas ng paninigarilyo sa mga residente.

Ayon kay Dra. Donabel Tubera, CHSO Medical Officer IV, “batay sa pag-aaral ay may 34 ng bawat 100 na indibidwal sa lungsod ay masasabing smokers na kung saan ay nasa itaas ng national average ng 23 porsyento.”

Mula noong taon 2014, nasiwalat ang naging marahas na pagtaas ng bilang ng mga naninigarilyo sa lungsod, lalo na sa kababaihan. Gumawa ang lungsod ng batas, ang komprehensibong anti-smoking ordinance, na tiyak na magbibigay ng kontribusyon sa pagtulong na mabawasan ang porsyento ng mga naninigarilyo sa lungsod itong mga darating na taon.

Natantiya rin na ang naninigarilyo sa kababaihan ay nasa 20 porsyento, bago ang paghihigpit ay nadagdagan sa 33 porsiyento sa taong 2015, at natapos hanggang sa 35 porsyento sa 2016 para sa kababaihan na may edad na 15 pataas.

Ang isa pang nakakaalarma na datos na nakuha sa isang health official na mula sa survey ay ang pagkalat ng mga naninigarilyo sa gitna ng kabataan na may edad na 12 hanggang 18 kung saan ang 31 porsyento ay madaling malalaman na ang sigarilyo ay ibinibenta lamang sa mga sari-sari store.

Isa pang nakakaalarma sa datos na nakuha sa pamamagitan ng mga opisyal ng kalusugan mula sa survey ay ang pagkalat ng mga naninigarilyo sa gitna ng mga kabataan na may edad na 12 hanggang 18 kung saan 31 porsiyento ay nagkaroon ng madaling access sa mga sigarilyo ibinebenta sa mga sari-sari store.

Dagdag pa rito na ang 49 porsyento na kabataan na itinuturing bilang smokers ay nanggagaling ang kanilang mga sigarilyo sa mga sari-sari store, habang ang 28 porsyento naman ay inaamin ang pagtutol na mga tindahan na pagbilhan sila.

Ang pagtigil ng paninigarilyo sa isang araw ay mapapabuti nito ang pulso ng puso ng isang tao, pagtigil naman sa isang taon ay may tyansang mabawasan ang hypertension, pagtigil naman sa loob ng limang taon ay may tyansang mabawasan ang paghihirap na mula sa stroke sa 50 porsyento at ang pagtigil naman ng paninigarilyo sa 10 taon ay malaki ang pag-asa na mabawasan ng tao ang paghihirap sa sakit na kanser na 50 porsyento.

Nanawagan si Tubera sa mga residente at mga bisita na mahigpit na sumunod sa patakaran ng anti-smoking sa lungsod upang mapigilan nito ang posibleng pagkalat ng mga sakit at makatulong din sa pagsisikap ng lokal na pamahalaan na mapanatiling malinis ang hangin sa lungsod mula sa polusyon.

Mahigpit ng ipinatupad ang anti-smoking ordinance na naging epektibo noong May 30, 2017 ang buong puwersa ng departamento ng lokal na pamahalaan at ang departamento ng pangkalusugan ay nagsasagawa na ng isang napakalaking information campaign upang ipagbigay-alam sa mga residente at mga bisita na gawin itong ganap na kamalayan na maaaring ipataw na parusa laban sa may-ari ng establishments na nagbebenta ng sigarilyo sa publiko at ganun din sa mga naaktuhan na naninigarilyo sa mga lugar na ipinagbabawal ay agad na huhulihin ito at hahatulan ng paglabag at parusa. ABN

Amianan Balita Ngayon