49 COVID variant naitala sa Benguet

LA TRINIDAD, Benguet – Naitala sa lalawigan ng Benguet ang 49 COVID variants of concerns, ayon sa ulat na iprinisinta ni Dr. Maria Imelda Ulep, Provincial Health Coordinator and Benguet IMT Incident Commander, sa naganap na Provincial Inter-Agency Task Force noong Setyembre 1.
Sa nasabig bilang, 33 ay Alpha cases, 12 Beta at apat ang Delta variant mula Agsto 30,2021. Tatlo sa Alpha cases, isa sa Beta at Delta ang iniulat na namatay, samantalang 30 sa Alpha at 11 sa Beta ay recovered na,samantala 2 sa Delta ay still recovering.
Ang Alpha variant ng SARS-CoV-2 ay unang nakilala sa United Kingdom noong Setyembre 2020. Ang Beta, na kilala bilang 501.V2 o’ B.1.351ay unang nakilala sa South Africa, samantalang ang Delta variant, binansagang highly contagious SARS-CoV-2 virus strain, ay unang naitala sa India noong Disyembre 2020.
Kaugnay nito, mahigpit na ring ipinapatupad ng Benguet ang restrictions sa bawat border,upang maiwasan na madagdagan pa ang variant cases.
Samantala, isang guro at mag-aaral ang iniulat na namatay sa COVID-19 mula ng magkaroon ng outbreak noong 2020, ayon sa ulat ng Department of Education Benguet Division.
Ayon kay Dr. Mary Grace Matias , ang ahensya ay natamaan 291 kaso ng COVID-19 na mga empleyado, na ang 284 ay recovered na, samantalang 5 na lamang ay nagpapalakas ng kanilang kalusugan.
Aniya, ang 1,359 personnel ng DepEd-Benguet na kabilang sa nasa priority lists for vaccination ay nabakunahan na kontra virus. Noong Setyembre 3, ang Benguet ay nakapagtala ng pinakamataas na kaso na 114 na dumagdag sa 790 active cases, 10,315 recoveries at 312 deaths, mula sa kabuuang 11.417 confirmed cases.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon