Wanted sa Cagayan nasakote sa Kalinga

TABUK CITY, Kalinga – Makalipas ang 29 taon na pagtatago sa Kalinga, nahuli na ang tinaguriang No. 1 Most Wanted Person ng Cagayan sa kasong Murder, mula sa kanyang pinagtataguan sa Barangay Barangay Balawag, Tabuk City, Kalinga.
Kinilala ni PRO 2 Regional Director BGen. Steve Ludan, ang nadakip na si Danilo Lawanie Ruping,52,alyas “Danny Ruping,” 52, tubong Calanasan, Apayao.
Ayon kay Ludan, noong Oktubre 27,1992, si Ruping, kasama ang kasabwat na si Doroteo Daguna ay inatake at binaril hangang sa mapatay ang biktimang si Celso Aquino,ng Pamplona, Cagayan. Napag-alaman na si Daguna ay namatay ilang taong makalipas ang insidente.
Dinakip si Ruping sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Adrian N. Pagalilauan of Regional Trial Court Branch 12, Aparri, Cagayan sa kasong Murder na walang kaukulang piyansa. Ang matagumpay na pagkakadakip sa suspek ay isinagawa ng mga tauhan ng Iguig Police Station, Provincial Intelligence Unit, Cagayan Police Provincial Office at Tabuk City Police Station-Kalinga Police Provincial Office.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon