5 drug pusher, 2 pang suspek nadakip sa buy-bust

CAMP BADO DANGWA, LA TRINIDAD, BENGUET – Arestado ang pitong suspek sa isinagawang buy-bust operation at pagpapatupad ng warrant of arrest noong ika-18 ng Abril 2017.

Sa pinaghiwalay na buy-bust operation ng operating unit ng Police Station 1, Drug Enforcement Unit (DEU), Baguio City Police Office at ilang miyembro ng PDEA-CAR ay naunang naaresto ang limang suspek na naaktuhan na nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot bandang alas singko ng umaga sa Amistad Compound Km. 3 Asin Road, Baguio City.

Kinilala ni BCPO city director PSSupt. Ramil Saculles ang mga nadakip na sina Aladin Crisostomo Bumakil, alias Tags, Jerome Crisostomo Bumakil, Sebastien Villalon Alejandre, Kurt Allison Caaya Callanta at Leonard Vincent Dasig Velasco.

Nakumpiska mula sa kanila ang 5 heat sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu, buy-bust money na nagkakahalaga ng P2,000, sari-saring drug paraphernalia, isang coin purse at 5 cellular phones.

Sa pinagsanib na mga tauhan ng Police Station 9 at Criminal Investigation Unit (CIU), (BCPO) sa koordinasyon sa mga operatiba ng Pozorrubio Police Station, Pangasinan ay naaresto ang dalawang suspek sa droga noong bandang alas onse ng umaga sa kanilang tirahan.

Nakilala ng operatiba at inaresto ang mag live-in at magkasosyo na sina Arnold Castro Soriano, 48, driver, at si Cherry Lacuata Licaycay, 41, reflexologist kapwa residente ng Purok 12, Irisan, Baguio City.

Ang pag-aresto ay ginawa sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Tita S. Obinario ng RTC Branch 45, Urdaneta City, Pangasinan para sa isang kaso ng ilegal na pag-aari ng bawal na gamot na lumalabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

Nakumpiska sa mga pag-aari ni Soriano ay anim na piraso ng heat sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu; isang supot at assorted drug paraphernalia.

Ang mga naarestong suspects ay nasa ilalim ng pag-iingat ng operating units habang inihaahanda ang naaangkop na sakdal laban sa kanila sa korte.

Ipinagbigay-alam naman ni PRO-COR regional director Police Chief Supt. Elmo Francis Oco Sarona sa lahat ng mga yunit ng pulis na sang-ayunan ang momentum at pagkilos kontra sa ilegal na droga sa urban centers pati na rin sa kanayunan at patuloy na tinamaan at ipakita ang walang awa sa mga organisadong grupo ng krimen sa likod ng paggawa, paglilinang at trafficking ng bawal na gamot bilang suporta sa pambansang kampanya ng laban sa droga. ABN

Amianan Balita Ngayon