5 NPA member sumuko sa Kalinga

CAMP BADO DANGWA,Benguet — Makalipas ang pagsuko ng isang kumander ng New People’s Army na si Ka Diwa, ay apat nitong kasamahan ang boluntaryong sumuko sa Camp Juan Duyan, Bulanao, Tabuk City, Kalinga,nppng Okyubre 23, ayon sa Police Regional Office-Cordillera.
Nabatid kay Police BGeneral Israel Dickson, regional director , ang apat na miyembro ng Militia ng Bayan sa ilalim ng Lejo Cawilan Command, ay kinilala sa mga alyas na Abag; Amaya; Berna; at Yasel, pawang taga Balbalan, Kalinga.
Ayon kay Dickson, sa kanilang seryosong hangarin na magnalik-loob sa pamahalaan ay personal na isinuko din ni Abag ang kanyang isang M1 US Garrand rifle with 2 clip type magazines na pitong bala, samantalang si Amaya ay isang Assault Rifle 18 (AR18) with 2 magazines at 25 bala. Walang armas na isinuko sina Berna at Yasel.
Ang mga surenderee ay isinailim ngayon sa protection ng mga of operating troops para sa kanilang security at agarang maisaayos ang mga nenipisyo at financial assistance para sa pagsisimula ng kanilang buhay. Noong Oktubre 16, si Ka Diwa, platoon leader ng Lejo Cawilan Command, Komiteng Larangan Gerilya Baggas, ay sumuko kay Police Colonel Job Russel Balaquit, provincial director ng Kalinga Police Provincial Office.
Isinuko nito ang kanyang high powered firearms na isang 7.62mm M60 machine gun w/out ammunition; dalawang 60-mm mortars with three mortar ammunition at isang Homemade Shotgun with three 12 gauge ammunition.
 
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon