LA TRINIDAD, Benguet
Sa patuloy na manhunt operation ng Police Regional Office-Cordillera, laban sa mga nagtatago sa batas ay nag-resulta sa pagkakadakip ng 60 wanted person sa iba’t ibang lugar sa rehiyon, mula Marso 10 hanggang16. Batay sa tala ng Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD), naitala ng Baguio City Police Office ang pinakamataas na bilang ng mga naaresto na 29, sinundan ng Benguet Police Provincial Office na may 12; Kalinga PPO na may walo; Ifugao PPO na may lima; Abra PPO na may tatlo; Mountain Province PPO na may dalawa, at Apayao PPO na may isa.
Sa mga nahuli na indibidwal, pito ang kinilala bilang Most Wanted Persons, na nagpapatingkad sa bisa ng operasyon sa pag-target sa mga indibidwal na nakalista bilang Top Most Wanted Personalities. Higit pa rito, ang proactive
policing strategies ng PRO Cordillera ay nagresulta sa 58 munisipalidad na nag-uulat ng zero crime incident sa buong linggo. Zero crime incidents ang naitala sa 24 na munisipalidad sa Abra, siyam sa Ifugao, walo sa Mountain Province, tig-anim sa Apayao at Kalinga, at lima sa Benguet.
Bukod pa rito, ang Naguilian Police Station 1 at Aurora Hill Police Station 6, kabilang sa sampung istasyon ng pulisya sa Baguio City, ay nagtala rin ng zero crime incident sa parehong panahon. Ang PRO Cordillera ay nananatiling matatag sa kanyang misyon na itaguyod ang panuntunan ng batas at tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng komunidad.
Zaldy Comanda/ABN
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024