600 RESIDENTE NG DAGUPAN TUMANGGAP NG SUBSIDIYA MULA DSWD

DAGUPAN, Pangasinan

Nasa 600 residente ng Dagupan City ang nakatanggap noong Miyerkoles (Pebrero 14) ng PhP2,000 bawat isa mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation
(AICS) Program. Sinabi ni Evelyn Daroy, isang residente ng Barangay Mamalingling na nagpapasalamat siya para sa
tulong pinansiyal. “Gagamitin ko po (ito para) sa mga bilihin sa bahay,” aniya sa isang panayam.

Sinabi ni Mayor Belen Fernandez na ang mga benepisaryo ay sapalarang napili mula sa bawat barangay at hindi mula sa espesipikong mga sektor. “Sa mataas na mga presyo ng mga bilihin, nais namin na kahit paano ay maibsan ang dalahing ito mula sa mga mahihirap na sambahayan sa lungsod,” ni Mayor Fernandez sa isang panayam. Maliban sa tulong pinansiyal, nagbigay din ang opisina ni Senator Francis Tolentino ng mga sako ng bigas, appliances at groceries bilang bahagi ng mga papremyo para sa isang raffle promo, habang anim na benepisaryo ang nakatanggap ng wheelchair. Nagbigay din ng libreng legal assistance. Ang AICS ay iang programa ng DSWD na puntiryang suportahan ang pagbangon ng mga tao at mga pamilya na dumaranas ng mga diinaasahang pangyayari sa buhay o mga krisis.

(HA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon