AMIANAN POLICE PATROL

40 wanted person nalambat sa Cordillera

LA TRINIDAD, Benguet

Apatnapung indibidwal na pinaghahanap ng batas ang inaresto, sa loob ng isang linggong pagpapatupad ng pinaigting na manhunt operation sa Cordillera mula Pebrero 4 hanggang 10. Sa talaan ng Regional Investigation and Detective Management Division, ang Baguio City Police Office ang may pinakamataas na bilang ng mga naaresto,na 20 wanted personsi; sinundan ng Benguet Police Provincial Office na may 10 arestado; Abra PPO na may pitong arestado at Mountain Province PPO na may tatlong arestado.

Sa mga naarestong personalidad, anim na indibidwal ang nakalista bilang Most Wanted Persons, apat sa kanila ay
nakalista sa Provincial Level at isa ang nakalista sa City at Station Level. Samantalang, naging mapayapa ang 61 na munisipalidad sa iba’t ibang lalawigan ng rehiyon at tatlong istasyon ng pulisya sa Baguio City, dahil zero crime incidents sa nsabing period. Zero crime incidents ang naitala sa 23 munisipalidad sa Abra, limang munisipalidad sa Apayao, walong munisipalidad sa Benguet, anim na munisipalidad sa Kalinga, siyam na munisipalidad sa Mountain Province, at sampung munisipalidad sa Ifugao. Sa Baguio City, naitala ng Aurora Hill Police Station (PS) 6, Irisan PS9, at Marcos Highway PS10 ang zero crime incident sa 10 police stations sa lungsod.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon